Advertisers

Advertisers

Maricel pinuri ni Snooky sa pagdepensa vs bastos na kelot; Carmina napikon sa sakit ng sampal ng co-star

0 265

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA latest episode ng podcast na ‘Wala Pa Kaming Title’ kasama ang mga kaibigan niyang sina Candy Pangilinan, Gelli at Janice de Belen, ikinwento ni Carmina Villarroel ang isang artistang sumampal sa kanya nang bonggang-bongga sa isang proyektong ginawa niya ilang taon na ang nakararaan. Hanggang ngayon daw ay naaalala pa rin niya ito.
Talagang nawindang daw siya sa nasabing eksena na hanggang ngayon ay parang ramdam pa rin niya ang sakit sa mukha niya.
Kwento ni Carmina,”May buwelo, ‘yung talagang galing dito sa baba paganoon sa akin. Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa. Buti na lang may sofa kasi kung walang sofa nahulog ako sa floor.”
Walang binanggit na pangalan si Carmina sa kanyang rebelasyon kung sino ‘yung artistang nakaeksena niya na sumampal sa kanya nang malakas.
Aminado siya na napikon siya sa artistang ‘yun.
“Napikon ako, kasi ang sakit, ang sakit. Imadyinin mo may buwelo,” sey pa ni Carmina.
Buti na lang daw at meron pa rin siyang presence of mind habang kinukunan ang nasabing sampalan scene at itinuloy pa rin ang eksena para hindi na sila ma-take 2 o take 3 dahil baka hindi na siya makapagpigil.
***
SA You Tube vlog ni Snooky Serna na guest ang kaibigang si Maricel Soriano, sinariwa ng dalawa ang isang pangyayari noong nagsu-shooting sila ng pelikulang Schoolgirls, noong mga teen-ager pa sila, kasama si Dina Bonnevie.
Ang Schoolgirls ay ang 1982 movie ng Regal Films na leading men ng tatlo sina Edu Manzano, Edgar Mande, at ang yumaong si Joel Alano.
Habang nagsu-shooting ay may isang lalaking pinagtripan daw si Snooky.
Sabi ni Maricel, “Kay Kookie [Snooky] kasi, parang alam mo yung niloloko kami.”
Ginaya ni Maricel ang tunog kapag nagtatawag ng aso.
Dugtong ng Diamond Star, “Ginagawa kaming aso. Naku, kinuha ko talaga yung isang lalaki, hinatak ko siyang ganyan
“E, anlaki niya, e, hinatak ko siyang ganyan, in-uppercut ko talaga siya! O, di nakatikim talaga siya.
“Sabi ko, ‘Wag mo kaming babastusin, ha! Naghahanapbuhay kami.’”
Sinegundahan ito ni Snooky: “Nananahamik kami bigla ba naman akong ginawang aso.
“Actually, hindi nga si Maricel ang inaano noon. Di ba, ako?
“Siguro kasi akala kasi masyado bang sweetie-sweetie and everything, so merong [ginaya ni Snooky ang tunog sa pagtawag ng aso]…
“Hala, e, di, ginanun siya ni Diamond Star! Nanahimik siya.”
Papuri ni Snooky kay Maricel, “Iyan ang personality, iyan ang character ng isang Maricel Soriano, palaban.
“At saka talagang ipagtatanggol niya ang mga kasama niya sa trabaho, mga mahal niya sa buhay.
“Ganyan si Maricel, ang tapang.”
Sundot ni Maricel sa pangyayaring iyon, “Ayoko namang babastusin tayo kasi hindi naman tayo kabastus-bastos na mga tao.”