Advertisers

Advertisers

May-ari ng security agency, patay sa ambush

0 282

Advertisers

ISANG retiradong sundalo na may-ari ng security agency ang nasawi nang tambangan malapit sa isang mall sa Quezon City nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Martinez, may-ari ng Fine Rangers Security Agency.

Sa impormasyon na ipinadala ng Quezon City Police District Station 15 sa Camp Karingal, sinabing sakay ng SUV ang biktima at binabaybay ang kanto ng Mindanao Avenue at North Avenue nang pagbabarilin ito ng riding in tandem.



Dinala pa sa Veterans Hospital si Martinez subali’t idineklarang ‘dead on arrival’.

Ipinag-utos na ni QCPD Director, Brigadier General Nicolas Torre III, ang manhunt operation laban sa mga salarin.

Nangangalap narin ng mga kuha ng CCTV sa lugar ang pulisya para matukoy ang mga salarin.