Advertisers

Advertisers

Amores tinanggal sa JRU basketball program

0 187

Advertisers

TINANGGAL na ng JRU sa kanilang men’s basketball team ang embattled basketball player na si John Amores matapos mag-amok sa NCAA Season 98 game.

Inanunsyo ng JRU noong Miyerkules na pagkatapos ng isang espesyal na pagtatanong, nagpataw sila ng karagdagang mga parusa kay Amores “bilang bahagi ng mga panloob na proseso sa disiplina na sinusunod ng paaralan.”

Si Amores ay nasuspinde nang walang katapusan ng parehong NCAA at JRU matapos niyang suntukin ang apat na manlalaro mula sa De La Salle-College of St. Benilde sa huling minuto ng kanilang laro noong Nobyembre 8.



Ngunit nagpasya ang unibersidad na pormal na tanggalin din siya sa kanilang men’s basketball team.

“He ll no longer be part of any sports program of JRU, effective immediately,” Wika ng JRU sa kanilang pahayag.”

“All privileges accruing to Mr. Amores as a student- athlete have been canceled,” the school said. “Based on the Student Manual of the University, he has been further meted out the penalty of suspension from his classes and has been required to undergo community service.”

Si Amores, na nahaharap sa mga reklamo ng physical injury mula sa Blazers, ay bibigyan ng counseling upang matulungan siyang makalimutan ang insidente, sinabi rin ng JRU.

“The University is furthermore working with its Athletics Office, the coaching staff, and the members of the team to ensure their developmental needs to mitigate and prevent similar incidents from taking place in the future,” JRU added.



Ang mga aksyon ni Amores ay malawakang binatikos ng mga stakeholder ng Philippine basketball, kabilang ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).