Advertisers
Mahigit sa 8,000 mga loose firearms ang narekober ng Philippine National Police (PNP) sa patuloy na kampanya kontra krimen sa mga isinagwang mga operation sa buong bansa.
Ayon kay PNP Chief Gen Rodolfo Azurin, ang mga nasamsan na iba’t ibang uri ng caliber sa mga isinagwang operation tulad ng checkpoint at anti drug operation sa buong bansa mula July 2022 hanggang October, 2022.
Base sa datos, sinabi ni Azurin na umanit sa kabuan 8,255
Ang mga loose firearms na narekober, isinuko at nakumpiska habang 4,895 na mga baril naman ang iturn over sa mga otoridad para sa safe keeping.
Nasa kabuan 2,471 katao ang naaresto sa mga isinagawang mga police operation sa pagbibitbit ng mga baril na walang kaukulang permit .
Nasampahan na ng kaso ang mga nadakip ng paglabag sa Republic Act 10591 o the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Inatasan na rin ni Azurin ang lahat ng mga Regional, Provincial Director sa buong bansa na palakasin pa ang kanilang mga kampanya kontra loose firearms at lawless element upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan mula sa mga kriminal lalo ngayon papalapit na ang holiday season.
“One firearm confiscated can be equated to a minimum of one life saved,” saad ni Azurin.(Mark Obleada)