Advertisers

Advertisers

BEST humakot ng 77 medalya sa PSI meet

0 159

Advertisers

IPINADAMA ng BEST (Behrouz Elite Swimming Team) ang kahandaan para sa pagsabak sa international competition sa nahakot na 77 medalya tampok ang 12 ginto sa 2022 PSI Short Course National Championships nitong Nobyemnre 12-13 sa New Clark City Aquatic Center sa Capas, Tarlac.

Pinangunahan ni Peter Dean ang ratsada ng BEST na nasa pangangasiwa ng Swim League Philippines (SLP) ni Joan Mojdeh, sa nahakot na pitong ginto matapos dominahin ang 100m Individual Medley (1:02.00), 50m backstroke (28.02), 400m IM (4:48.00), 100m back (1:01.00), 200m IM (2:16.00), 50m butterfly (27.12), at back (2:11).Nagwagi rin ang 17-anyos na nakabase sa Lucena ng silver sa 200m freestyle (25.51) at 200m breast (2:38.00) at bronze sa 50m breast (33.24).

Nag-ambag naman ang pambato ng BEST Paranaque na sina Amina Bungubung at Shinloah Yve San Diego ng tig-dalawang ginto sa women’s 14-15 bracket 100-m free (1:01.48) at 400m free (5:01.4), 200m IM (2:40.42) at 200m breast (2:55.90), ayon sa pagkakasunod.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">