Advertisers
KULONG ang 74-anyos na dating sundalo nang maaktuhang ginagahasa ang 14-anyos na dalagita sa ilalim ng puno ng mangga sa gitna ng maisan sa Barangay Gucab, Echague, Isabela noong Linggo.
Kinilala ang suspek na si Delfin Pascua, kabarangay ng biktima.
Sa ulat, isinuplong ng isang barangay tanod na nakitang hinihipo ng suspek ang mga pribadong parte ng katawan ng dalagita.
Sinabi ng pulisya na nadatnang umiiyak ang biktima habang ginagahasa ito ng suspek.
Inihahanda na ng Echague Police ang kasong ‘Rape by Sexual Assault’ laban sa suspek, habang ipinasa ang biktima sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO).