Advertisers

Advertisers

Yassi raratsada sa paggawa ng proyekto sa 2023; Sharon totoo na, trip na magbabu sa showbiz

0 192

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI itinanggi ni Yassi Pressman na isa siya sa mga survivor ng pandemyang nagdaan.
Matagal ding natengga at walang raket kaya nung medyo nakabalik na sa work ay malaking tulong na ito.
Naisingit na nagkaroon ng raket hanggang matapos na ang long running action serye sa kasaysayan, Ang Probinsiyano ni Coco Martin na naging bahagi ang aktres.
Dahil matagal na walang ganap si Yassi ay naintriga ang netizens at naisip na baka mag ober da bakod ang aktres.
Pero pinagtawanan lang ni Yassi ang isyu na lilipat na ito dahil wala nang naibigay na proyekto sa aktres, meaning na Kapamilya pa rin siya.
Wala rin naman paglilinaw na lilipat na ito ng network.
Sey ng kampo ni Yassi, raratsada at magiging busy daw ito next year.
Maraming project na gagawin ang aktres na siya niyang pinaghahandaan.
***
NOONG 2019 pa sana balak na magretiro ng Megastar Sharon Cuneta sa showbiz.
Pero bigla itong nasalang sa Ang Probinsiyano at nagkaroon pa ito ng mga concert abroad.
Sa tagal ni Sharon na naging matagumpay naman ito at till now ay nagniningning pa rin ang namesung.
For 44 years in showbiz ay meron pa ba siyang gustong ma-achieve dahil parang nakamit na nito lahat.
Iisa na nga lang ang kulang kay Sharon, ang makasama at mapaglingkuran ang pamilya.
Feeling tired na nga ang peg ni Sharon kaya gusto na nitong mag-retire, lalo na at 56 years old na siya ngayon.
Gusto nito ay makasama ang pamilya sa mahabang oras at mapaglingkuran ang mga anak at ang asawang si former Senator Kiko Pangilinan.
May mga natanguan pang commitments ang Megastar after nun ay baka dun na magsimula ang kanyang pagreretiro sa showbiz.
Well, well, well…Yun na!