Advertisers

Advertisers

Tatatanda at lilipas din si L.A.!

0 243

Advertisers

Kaya lumaking mahusay na basketbolista at mabuting tao si Lewis Alfred ay dahil sa pag-aalaga at gabay nina Arthur at Luming Tenorio.

Mula ipinanganak na mahina ang katawan at nakadextrose pa nga nang bininyagan hanggang maging sikat at magaling na PBA player ay nandiyan parati mga magulang ni L.A.

Pinagsikapan ng mag-asawa palakihin ng maayos at may takot sa Diyos. Pinag-aral sa mga Katolikong eskwelahan mula Don Bosco, San Beda at Ateneo.



Kasa-kasama sina Mr at Mrs Tenorio sa mga game ng batang si L.A.

“Umaabot pa kami sa Bicol para masundan namin mga laban niya,” wika ni Arthur na naglaro rin dati sa intrams sa University of the East. Panahon daw iyon ni Rudolf Kutch, Johnny Revilla at Epoy Alcantara.

“Hanggang ngayon nasa Araneta o SM MOA kami upang masaksihan mga laro,” sabi naman ni Luming Tenorio.

Kinakausap pa raw sa halftime ang The Tinyente ng ama kung umiinit ang ulo ng panganay nilang lalake.

Generous sa mga magulang si LA. Napag-abroad na sila ng ilang ulit ng 5’9 na star guard ng Ginebra. Binabahagi sa kanila at iba pang mga kamag- anak sa Nasugbu, Batangas ang mga produkto na nakukuha ng many time national cager sa kanyang mga endorsement deal May Nike, Gatorade at marami pang iba.



Yan ang karugtong ng huntahan natin sa mga parent ni Lewis Alfred na nakasabay natin sa isang linggong biyahe.

Lumipas at magkaedad man si L.A. ay maaalala siya bilang isang ulirang anak at modelong manlalaro.

***

Yung tatlong pambato ng U.E. noong 60s, 70s at 80s ay pare-parehong mga kaliweteng shooter.

Sila sina Jimmy”Long Tom”Mariano ng dekada 60, Rudy “The Magician” Soriano noong kalakasan ng Red Warriors na 70s at pagdating ng 80s ay panahon naman ni Allan “The Triggerman” Caidic.

Nagkataon na puro sila mga lefty kaya mahirap pigilan umiskor ng mga dumidepensa sa kanila.

***

Nasumpungan natin ang episode sa Varsity Channel na nagtampok sa ilang mga miyembro ng 1993 Growling Tigers champion team sa UAAP. Nakasweep ng 12 game sked mga bata ni Coach Aric del Rosario noon kaya diretso sila sa titulo. Kasama ng host na si Mico Halili sina Lester del Rosario, Patrick Fran, Siot Tanquincen at Udoy Belmonte sa himpilan na kasali sa line-up ng Cignal cable. Halos puro coach na ang lahat ng nabanggit liban kay Udoy na isa namang piloto

Sa ating opinyon ay si Siot ang pinaka-qualified na maging bench tactician ng UST ngayon mula sa era na yon. Siya ang may sapat na karanasan at mahusay na credential.

Eka ng ating ibong pipit ay nag-apply naman si Tanquincen sa kanyang alma mater bago ang pandemya pero iba ang napili ng mga paring Dominicano. Hayun napunta siya sa coaching staff ng NU na nakikinabang sa galing ng mama.