Advertisers

Advertisers

14 tiklo sa nakaw na P1.4M cable wire sa QC

0 180

Advertisers

Inaresto ang 14 na indibidwal sa di-umano ay pagnanakaw ng mga cable wire na nagkakahalaga ng aabot sa P1,419,097 sa Novaliches, Quezon City nitong Biyernes, Nobyembre 18.

Ayon kay Lt. Col Jerry Castillo, Novaliches Police Station (PS4) commander, ang mga suspek kinilalang sina Robert Panis Bacaresas, 30; Elmo Villones Base, 42; Giovanni Arevalo Valencia, 38; Romel Buta Ucag, 28; Jay Paragas Velasquez, 26; Abel Aldea Diaz, 32; Robert Palaran Galo, 37; Jay Tonquin Piquero, 23; Justine Araos Lopezon, 21; Germalyn Ampalayuhan Milmao, 50; Brendo Irenea Francisco, 45; Raffy Siballos Razon, 32; Ricardo Clor Quilala, 53, at Joseph Celis Curacho, 41, pawang mga residente ng kaparehong lungsod.

Sa impormasyon ng pulisya, nakita umano ng rental truck driver na si Ricky Codillan ang post sa Facebook na naghahanap ang mga suspek ng marerentahan na truck para sa delivery ng copper wire mula Novaliches patungong Nueva Ecija.



Dahil dito, nag-alok ng serbisyo si Codillan at kasamahan nito na si Danny Cantong Jr. at nagtungo sa Quirino Highway in Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City para makipagkita sa mga suspek 3:50 ng umaga.

Ayon sa driver, inutusan siya ng mga suspek na ikarga ang kable sa truck ngunit napansin niyang tila pwersahang pinutol ang mga ito, dahilan upang isuplong niya sa 911 ang naturang aktibidad.

Narekober ng mga awtoridad ang nasa 400 metro ng foam-skin filled (FSF) cable na may 1,800×0.26 gauge na nagkakahalaga ng P861,924, 400 metro ng FSF cable na may 1,200 x0.26 gauge sa halagang P557,173, 10-wheel Mitsubishi wing van, at metal cutting saw.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10515 o ang Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">