Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA isang interview, nagbalik-tanaw si Aljur Abrenica sa kanyang pinagdaanan bago pa man siya makapasok sa showbiz.
Aniya, desidido raw talaga noong sumikat bilang isang singer
Katunayan, miyembro raw siya noon ng isang banda.
Gayunpaman, sa pag-aartista raw siya nalinya.
Blessing in disguise din ang pagkakapanalo niya sa Starstruck ng GMA-7 noong 2006 na itinanghal siyang Ultimate Hunk.
Ito raw ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para makapagbida sa soaps ng Kapuso network.
Naging love team-partner daw niya si Kris Bernal na incidentally ay hindi niya nakarelasyon.
Aniya, masaya raw siya kay Kris dahil natagpuan na nito ang lalakeng magiging lifetime partner nito.
Sa kaso naman ni Kylie Padilla na ina ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl, marami raw pagsubok na pinagdaanan ang kanilang relasyon.
Nag-break daw sila noon pero eventually ay nagkabalikan din na sa bandang huli ay nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon.
Aminado rin siyang may pagkukulang siya kung bakit nagkahiwalay sila ni Kylie.
Sa ngayon daw ay maayos na ang co-parenting agreement nila ng ex para sa kanilang mga anak.
Isa raw sa tumimo sa kanyang puso noon ay nang sabihin ng kanyang anak na di na niya mahal si Kylie kaya sila maghihiwalay.
Hirit pa niya, hindi raw naman mawawala ang pagmamahal niya kay Kylie lalo pa’t ina ito ng kanyang mga anak.
Sa kaso naman ng kontrobersyal na paglipat niya noon from GMA-7 to ABS-CBN, nangyari raw iyon dahil napapalibutan siya ng mga maling tao.