Advertisers

Advertisers

Bong Go sa Grab: Rate increase sa riders, ‘wag muna

0 180

Advertisers

Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang transportation network company Grab Philippines na maging patas at balanse sa interes ng negosyo sa pagitan nila ng kanilang riders at customers sa gitna ng planong pagtaas ng kumpanya sa commission rates.

“Balansehin muna natin nang maayos ang interes po ng ating delivery service drivers to earn more at ang mga consumers naman natin na hindi lumaki ang kanilang gastusin,” sabi ni Go matapos siyang mamahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Las Piñas City.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng bawat piso para sa mga rider pati na rin sa mga customer na nakikiusap sa kumpanya na huwag ilipat ang pasanin sa kanila.



“Napakalaking bagay po ang bawat piso o sentimo para sa ating mga kababayan lalung lalo na po sa mga mahihirap, not only sa mga pasahero. (Huwag sana) ipapasa ang burden sa kanila o sa driver naman po ipapasa ang burden,” ani Go.

“Malaki po ang bawat piso na matitipid nila. Sana po ‘wag ipasa sa kanila ang burden. Huwag muna sanang mag-increase (ng commission ang Grab),” dagdag niya.

Ang increase ng komisyon ng Grab ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng gasolina kaya sinabi ng delivery riders at driver na nagpetisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na i-regulate ang app-based ride-hailing at delivery services.

“Dapat nga lalo natin silang proteksyunan, pangalagaan ang mga drivers natin imbes dagdagan ang porsyento ng (komisyon ng Grab). Minsan kasi ipapatong po doon sa mga drivers, kung hindi naman sa mga drivers baka ipatong doon sa mga pasahero,” sabi ni Go.

“Nasa gitna pa tayo ng krisis, kung maaari pag-aralan muna nang mabuti na hindi masyadong pabigat sa ating mga kababayan lalung-lalo na po sa mahihirap,” anang senador.



Samantala, ibinahagi ni Go na inihain niya ang Senate Bill No. 1184 na naglalayong protektahan ang kapakanan at interes ng delivery service riders sa bansa.

“Ako po bilang senador, mayro’n din akong nai-file sa Senado, ito pong SBN 1184 o ang Delivery Riders Protection Act. Sa pamamagitan nito bibigyan ng service providers ng proteksyon ang mga delivery riders laban sa mapang-abusong consumers lalo na ‘yung umoorder ng pagkain, grocery, at gamot,” ayon sa mambabatas.

Sa kabila ng paglalagay sa kanilang buhay sa panganib ng pandemya, ang mga delivery riders sa kasamaang-palad ay nahaharap minsan sa mga hindi patas na kasanayan at insidente ng peke o nakanselang mga booking at order.

Ito ang nagbunsod sa mambabatas na itulak ang pagpapalakas ng proteksyon at kapakanan ng delivery riders sa bansa. Nais ni Go na ang kapakanan at kaligtasan ng customer at riders ay kapwa mapangangalagaan sa bawat transaksyon.

Sa ilalim ng mungkahing batas, ibabawal para sa anumang food, grocery, at pharmacy delivery service provider na i-require sa riders o drivers na maglabas ng monetary amount para sa katuparan ng mga order.

Sa kaso ng pagkansela ng mga order, babayaran pa rin ng service provider ang mga delivery riders sa kanilang mga serbisyo.

Higit pa rito, sinomang service provider na lalabag sa ipinagbabawal na mag-require ng monetary advancess sa mga delivery rider ay papatawan ng penalty.