Advertisers

Advertisers

HEALTH SERVICES NA DAPAT TULARAN NG LGU’s!

0 5,973

Advertisers

Mayorya sa ating POLITICIANS ay magandang serbisyo ang ipinangangampanya lalo na sa pangkalusugan subalit may gastos pa rin ang mga tao o sangkatutak na requirement para makalibre sa bayad.., na kaiba sa serbisyong pinasimulan sa BARANGAY HOLY SPIRIT, QUEZON CITY dahil libre ang lahat ng HEALTH SERVICES kahit hindi nila ka-barangay.

Tunay na serbisyo at malasakit sa mga mahihirap at naghihirap sa iba’t ibang karamdaman ang naitatag na HEALTH AND WELLNESS ng BRGY. HOLY SPIRIT sa pamamagitan ni noo’y BRGY. CHAIRMAN at NGAYO’Y DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) BARANGAY AFFAIRS UNDERSECRETARY FELICITO “CHITO” VALMOCINA.., na dapat gayahin ng mga POLITICIAN.., kaso nga lang karamihan ay pansarilibng “POCKET PROJECTS” ang inuuna at hinahayaang gutom ang kanilang constituent para pagsapit ng eleksiyon ay bibigyan lamang ng 2 tawsan pesos.., presto sila na naman ang iboboto.

Ang mga PROVINCIAL, CITY at MUNICIPAL HOSPITAL ay ipinatayo gamit ang PEOPLES’s MONEY na ipinangangalandakang magiging katulungan para sa mga pasyente sa kanilang lugar; pero, mga may pambayad lang ang mapagseserbisyuhan at yung walang datung ay hindi aasikasuhin sa ospital.



Puwede ring makalibre ang pasyenteng walang pera yun nga lang kailangan pang magmakaawa ng papirma.mula sa PUROK LEADER para pirmahan ng BRGY CHAIRMAN na requirement para pirmahan ni COUNCILOR, MAYOR o CONGRESSMAN.., gayung puwede palang libre na hindi na kailangan pa ng mga sangkaterbang requirement tulad sa HEALTH AND WELLNESS na pinasimulan noong 2016 ni SUPER KAP at ngayo’y USEC CHITO VALMOCINA.

Opo.., wala pong sinisingil, bayad o donasyon na hihingin mula sa mga taong nagtutungo sa BRGY. HOLY SPIRIT para magpa-check-up tulad ng ULTRASOUND, ECG, DETOX, 2D ECHO X-RAY, EYE REFRACTION, BLOOD CHEM, URINALYSIS, CONSULTATION.., na kung may kinakailangan nang isailalim sa operasyon ay libreng inaasistehan at ang bayarin sa pagpapaopera ay sinasagot na ni SUPER KAP USEC CHITO VALMOCINA.

Ang katuwiran ni USEC. VALMOCINA.., pinagkalooban siya ng GOD’s blessings mula sa kaniyang propesyon at pagiging kontratista kaya kailangan namang tumulong sa kapuwa lalo na yaong naghihirap at walang kakayanang magpagamot dahil sa kawalan ng pera.

Ang itinatag na HEALTH SERVICES sa BRGY. HOLY SPIRIT ay hindi lamang sa kanilang mga kalunsod kundi maging sa iba pang probinsiya tulad ng RIZAL, OLONGAPO, ZAMBALES, ILOILO, LEYTE, QUEZON at iba pa ay dumadayo sa naturang lugar para sa libreng serbisyong medikal.., na hindi na hinahanapan pa ng mga rekisitos o endorsement ng POLITICIAN mula sa pinanggalingang bayan ng mga tao.

Ako po mismo kasama ang aking asawa ay sumadya kaninang umaga (Linggo November 20, 2022) sa naturang HEALTH AND WELLNESS para magpatsek-ap na ang blood pressure ko ay bumaba na 170/120.., opo, bumaba na, kasi ako ay romekord pa noong 2019 ng 300/150 pero normal lang po ang aking nararamdaman at dahil sa medical technology ay kinakailangan ko na rin palang agapan ang lumalaki nang aking PROSTATE na karaniwang sakit ng mga nagkakaedad na kalalakehan.., siyempre kakayanin pa ito ng mga dahon o halaman na karaniwan ko’ng ginagawa kapag ako ay may karamdaman.



Siyempre pa, ang ARYA ay nagpapasalamat sa pag-asiste ng HEALTH AND WELLNESS TEAM sa pangunguna nina MARILOU PANGAN, RAYMOND MATUGAS, DOMINIC DECANO at sa OPTHALMOLOGISTS na sina YOLANDA NICOLAS at COLET IPAC at sa Iba pa tulad ng magkapatid na VHENG at WHENG ASILO na pinagkakatiwalaan ni USEC CHITO VALMOCINA.. (sa mga staff na hindi pa nabanggit ay sa mga susunod po nating kolum).

Sa MEDICAL SERVICE REPORT ng BRGY. HOLY SPIRIT HEALTH AND WELLNESS para sa petsang January 14 hanggang nitong November 13, 2022 ay nasa 96,647 pasyente ang kanilang naserbisyuhan na nagmula pa sa iba’t ibang probinsiya sa ating bansa.

Naku, sana naman e hindi kahihiyan sa medical services ng mga LGU na may mga bayarin gayong pupuwede palang FREE MEDICAL SERVICES.., at dapat, hindi lamang ng LGU’s kundi maging ng NATIONAL GOVERNMENT ay pamarisan ang FREE MEDICAL SERVICES na pinasimulan ni USEC. CHITO VALMOCINA noong siya pa ay BRGY. CHAIRMAN.

Si VALMOCINA ay hinimok ng kasalukuyang administrasyon kaya napuwesto ito bilang DILG USEC at ang kaniyang pinasimulan sa kanilang barangay ay buong husay na ipinagpapatuloy ang makataong-serbisyo ngayon sa pamamagitan nina KAPITANA LYDIA BALLESTEROS; mga KAGAWAD na sina JOEMAR LAGARTO, EDEN BONUS, MAXIMO VALMOCINA, CYNTHIA DACANAY, BERNARDITO SABALILAG, LOWELLA ESPINO at ESTRELLA VALMOCINA; TREASURER ARIEL DOCTOR at JOVITA ASILO; SK CHAIRMAN REEJAY SUAT at SECRETARY LERMA SIBAL.. Mabuhay po kayo mga huwarang serbisyo publiko!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.