Advertisers

Advertisers

Matteo kabibiliban ng netizens kung makikipag-ayos kay Mommy Divine; Toni naiyak nang maalala ang pagkanta sa casino na walang nakikinig

0 164

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINAHAGI ni Toni Gonzaga at inalala nung sumalang siya sa kantahan.
Sa casino nasabak ang beauty nito para mag-perform.
Jampacked dahil puno ang venue at andaming utaw.
Mga 17 or 18 daw si Toni noon at tandang tanda pa nito na humagulgol siya ng iyak.
Pasko pa naman daw ‘yun pagbabahagi ng sissy ni Alex Gonzaga.
Sa pag-awit ni Toni ay napansin nito sa paligid ng casino na nakasubsob lahat habang naglalaro ng slot.
As in, walang nakikinig o nanonood kay Toni na habag na habag sa sarili.
Napansin ang kanyang pag iyak kaya may manlalaro na nagbigay ng tip kay Toni at binigyan pa ito ng chips.
Nagtungo raw ito ng CR para maitodo ang pag-atungal.
Of course, ayaw na niya itong mangyari sa iba pang gigs or singing engagements.
***
May hamon…
Matteo, kabibiliban ng fans kung mag effort na makipag ayos kay Mommy Divine
NAI-share ng couple na Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang socmed kung ano ba ngayon ang priority nila.
Hindi ang pagkakaroon ng anak kundi ang maipagawa ang kanilang dream house.
Ito raw ngayon ang pokus ng magdyowa kaya need ng doble kayod at timing na si Matteo muna ang humalili kay Billy Crawford sa LOL.
Relate much si Matteo sa mga kalahok kaya naghiyawan ang audience nang sabihin nito na ganun din ang misis na ipinaglalaban ang TV host-actor.
Pero may mga netizen na sumabat at nagsabi na mas kabibiliban nila ang actor kung gagawa nga raw ito ng paraan na makipag-ayos sa mudra ni Sarah na si Mommy Divine.
Ewan lang natin kung i-take ni Matteo ang challenge na hiling ng kanilang fans.
Well, well, well…’Yun na!