Advertisers

Advertisers

Sen. Chiz may nabuntis na tsiks kaya inayawan ni Heart?

0 205

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

KUNG dati ay pinagmamasdan at hinihimas lang ni Lotlot de Leon ang Gawad Urian trophy ng inang Superstar na si Nora Aunor, ngayon ay nakamit na rin niya ang matagal nang pinangarap na award.
Matatandaang naunang nagwagi si Ate Guy, sumunod si Janine Gutierrez at ngayon nga ay si Lotlot dahil siya ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang On The Job: The Missing 8 sa 45th Gawad Urian.
Inialay niya ang award sa mga magulang na sina Nora at Christopher de Leon, kay Sandy Andolong at gayundin sa kanyang biological parents.
Inialay din niya ang natanggap na award sa kanyang mga anak na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez at sa mister na si Fadi EL-Soury at sa kanyang manager na si Leo Dominquez.
Anyway, contender pa rin si Lotlot sa ibang award giving body at who knows baka palarin pa rin siya tanghaling Best Supporting Actress sa pagganap niya sa On The Job na talaga namang markado at challenging ang character.
***
Michael V nape-pressure pa rin sa Bubble Gang
LAST Friday napanood ang part one ng 27th anniversary ng Bubble Gang na may hashtag na #BGVenti7. Mapapanood ang part 2 ng anniversary presentation ng longest running gag show sa telebisyon sa Nov. 25.
Pinangunahan pa rin ni Michael V ang anniversary special ng gag show kasama ang buong team at guests na sina Buboy Villar at Faith da Silva. Nag-guest din sa BG ang ilang TikTok influencers na kilala na ng mga netizen.
Hindi ikinaila ni Michael V na kahit matagal na ang gag show ay nape-pressure pa rin ang buong team.
“Hindi nawawala ang pressure every creative meeting. At the end of the day, it`s still a job that everyone has to do. I think the only surefire formula is to go with the trend para relevant ka palagi.”
Tampok sa anniversary episode ang parody ng song ng Gusto Ko Nang Bumitaw at may spoof din ng Running Man na tinawag nilang Pranning Man. Sinisiguro ng BG barkada na iba`t ibang segment ng katatawanan ang mapapanood every Friday, 9:40 pm sa GMA-7.
***
KAHIIT na anong busy ni Heart Evangelista sa kanyang fashion event sa Paris at Milan ay sinisiguro nito na kumustahin ang kanyang ama na si Reynaldo Evangelista Ongpauco sa Pinas.
Super close ni Heart sa kanyang daddy na masasabing Daddy`s Girl kaya every now and then kinukumusta niya ang kalagayan ng ama.
Ibinahagi ni Heart ang ilang sweet messages niya sa kanyang daddy.
Isa sa naging conversation nila:
“Kahapon bili ako flowers,” message ni Heart.
“Buy ka ng sapatos mo, Christmas gift ko sa`yo, bayaran ko na lang yung jacket at sapatos mo pagbalik mo. Okey, be happy, see you,” tugon ng daddy ni Heart.
“Aww, thank you! Hehehe,” balik tugon ni Heart.
Ibinahagi rin ni Heart ang isang larawan noong bata pa siya kasama ang kanyang ama. Patunay lang nito na hindi nakalilimutan ni Heart ang kanyang pamilya kahit nasa ibang bansa siya.
Heto naman ang inaabangan ng mga marites ay kung kailan niya kukumustahin ang kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.
Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung totoong nagkaayos na silang mag-asawa.
Lalo na ngayong inamin ng `babae` na na-link kay Chiz na ito ay buntis at ang ama ay ang husband/senator ni Heart.