Advertisers

Advertisers

Yassi pinatotohanan, Julia ‘di maarte

0 198

Advertisers

Ni BETH GELENA

GUEST ni Yassi Pressman sa kanyang YouTube Channel na CareOkeWithYassi ang girlfriend ni Gerald Anderson na si Julia Barretto.
Naaliw ang netizens sa dalawang magandang actress habang nagkakaraoke sa loob ng sasakyan.
Hindi lang yun, tinuruan pa ni Yassi si Julia ng dance steps ng Tala song ni Sarah Geronimo.
Heto pa, sa huling bahagi ng video ay nagpagalingan sina Yassi at Julia sa pagsasalita ng tagalog na mabilis, kumbaga tongue twister.
Bumilib si Julia sa TV host-actress na kahit may lahing banyaga ay ang husay sa mga binigkas nilang tongue twisters.
Hindi naman nagpatinag ang young actress, biniritan niya ng mga kanta ni Sarah si Yassi
Samantala, sa kanilang pag-uusap ay nabanggit ni Yassi na bilang kaibigan ni Julia ay iba ang pagkakakilala niya dito kesa sa iniisip ng mga tao. Aniya, taliwas sa kadalasang sinasabi na maarte si Julia, pwede umano ito kahit saan dalhin.
Pagdating naman sa pagkain ay hindi rin daw ito maarte ngunit umiiwas lang sa seafoods dahil may allergy siya rito.
***
JAKE ZYRUS INAYAWAN NG DATI NIYANG RECORD PRODUCER NA SI DAVID FOSTER
How true na tinanggihan na umano ni David Foster si Jake Zyrus (Charice Pempengco)?
Bukod daw sa wala ring permanenteng tirahan si Jake sa Amerika, wala na rin daw itong proyekto.
Maraming netizens ang nanghihinayang sa sinapit ng career ni Jake na kilala na isa sa mga ‘pride’ ng Pilipinas noon pagdating sa kantahan.
Bukod daw sa palipat-lipat siya ngayon ng tirahan sa Tate, wala na rin daw itong maayos na proyekto sa Amerika.
Malayo raw noon sa kabi-kabilang proyekto nu’ng siya pa si Charice.
Maging ang record producer nga raw na si Foster na dating nagdadala sa international stage kay ‘Charice’ ay hindi na raw napagbibigyan dahil sa pagpapalit niya ng pangalan na Jake.
At wala na rin daw ang boses na hinahangaan sa kanya bilang si Charice.
Nag-try daw na lumapit si Jake kay Foster, pero tinanggihan umano siya nito.
Nagkaroon umano ng argumento noon si Charice at ang mga namamahala ng kanyang singing career sa Amerika.
Alegasyon nila baka raw pinagtapat ni Charice kung ano ang talagang gusto niya.
Baka raw pinayuhan siya na, ‘no,’ Stick to what you are. Ikaw man ay merong ibang nararamdaman na ikaw ay isang tibo, itago mo. Ang dami-daming tibo singer sa buong mundo na nagtagumpay.”
Sabagay, totoo namang malaki ang nawala kay Charice nang magpa-transgender.
Komento ng netizens, “sana hindi lahat sa kanyang sarili ay pinabago niya. Malaking bagay ang boses niya, yun ang kanyang asset na gustung gusto ng mga music lover.”
“Wala namang masama kung may mga binago siya sa sarili, pero ang boses niya gifted yun e, sana hindi na lang niya pinakialaman. Sayang talaga.”
***
MULING nagkasama sa isang proyekto sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.
Ayon sa nasagap naming sitsit, continuation daw ito sa unang movie na kanilang ginawa, ang
Kita Kita na gawa ng Springfield nina Piolo Pascual.
Nag-box office ang kanilang unang tandem kaya nag-isip sina Papa P ng another project sa dalawa.
Dahil kumita ang unang movie nina Alex at Empoy nabigyan pa nga sila ng malaking bonus ni Papa P.
Ang next movie ng Alex-Empoy ay Together Again.
Sabi ng netizens, “I love their tandem…very refreshing. I am excited to watch them together after Kita Kita.”
“still holding on to the clout they’ve had 5 years ago”
“People can have reunion projects, pati sa hollywood may ganyan”
“I thought alessandra is too good for loveteams”
“it may look like a love team pero i did really love their last project. May katuturan.”
***
MAY ibinahaging warning para sa netizens si Janice de Belen after her online shopping experience.
Ayon kay Janice, nakatanggap siya ng item na iba sa kanyang original na binili.
Kinontak na raw ng aktres ang seller pero hanggang ngayon daw ay wala pa siyang natatanggap na response mula sa seller.
Aniya: “budol issues” when it comes to online.
Pinost ni Janice ang natanggap na package mula sa seller.
Aniya, hindi raw niya alam kung anong item ang pinadala sa kanya. Hindi raw yun ang item na kanyang inorder.
Tinag ng aktres ang official page ng app na ginamit niya.
Sana raw ay makatulong ang mga ito sa kanya.
Qq”Omg!!! Today I received my package!!! And to my surprise, I got this dirty dripping wet item! I don’t even know what it is!!! But this isn’t what I bought!! Tried messaging the seller but no answer! @shopee_ph I hope you can do something about budol issues like this! Guys beware!”