Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PAGKATAPOS halos ng mahigit na 31 taon ng pagbibigay ng magandang istorya at kapupulutan ng aral sa buhay ay tuluyan na ngang magpapaalam sa ere ang “Maalaala Mo Kaya” o MMK ni Ms. Charo Santos.
The program started in 1991 at ngayong taon nga, 2022, after over three decades, magbababu na sa ere ang naturang anthology program ng Kapamilya Network.
Nitong nakaraang araw ay nagulantang ang mga netizen sa farewell message na pinost ni Ms. Charo sa kanyang socmed account.
“Hindi na po mabilang ang nasalaysay na kuwento dito sa ‘MMK’, mga kuwentong totoo, mga salamin ng sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at ng panibagong pag-asa.
“Gusto ko pong magbigay-pugay sa lahat ng nagpadala ng sulat, sa aming mga direktor, writers, researchers, production staff, at sa lahat ng naging bahagi ng aming programs. Sa mga artistang gumanap, maraming, maraming salamat. Sa management ng ABS-CBN, sa aming mga sponsors at higit sa lahat sa inyong mga tagapanood, kayo po ang nagsabing makahulugan sa inyo ang aming ginagawa.”
Gayunpaman kahit mamaalam na sa ere ang MMK starting December 10 ay mapapanood pa ang isang 3-part 31st anniversary episode nito na magsisimula na ngayong Nov. 26.
***
PAGKATAPOS ng matagumpay na movie niyang “Tubero” ay balik ulit si Angela Morena sa mga supporting roles. Tulad na lang ng dalawang movie ng Vivamax na steaming na magkasunod, ang “Bata Pa Si Sabel” na pinagbibidahan ni Micaella Raz at ang “Alapaap” na isang all star cast sa pangunguna nina Kat Dovey, Ali Asistio, Chesca Paredes, Andrea Garcia, Josef Elizalde and Luke Selby.
Okey lang kaya kay Angela na after a successful lead role movie ay balik-support ulit ang kanyang byuti, not once but twice pa.
“Actually, mas naunang i-shoot itong ‘Bata Pa si Sabel’ pero mas una lang naipalabas ang ‘Tubero’”. But I don’t really mind switching from lead to supporting roles.
In ‘Alapaap’, I also play a supporting role as a native girl in Mindoro who lead actor Josef Elizalde hires to be part of the documentary they’re filming there. Okay lang naman,” say ni Angela
Sa halos sunud-sunod na pelikulang ginagawa ni Angela, eh kumusta naman kaya ang kanyang personal na buhay?
“Ay, wala po akong boyfriend. I’m just concentrating on my career and I’m taking online classes para makatapos ako ng pag-aaral,” say pa rin ni Angela.