Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
TILA naging spokes person si Randy Santiago ni Willie Revillame nang makausap namin tungkol sa paglipat niya sa All TV ni Manny Villar mula sa TV5 as host ng original videoke reality game show with K Brosas.
Ayon kay Randy, nabalitaan niya rin daw iyon at nababasa niya sa mga pahayagan na kasama siya sa gagawing show ni Willie pero until now wala pa siyang offer regarding that show.
Saka mag-end pa ang contract niya sa Cignal this coming end of the year, 2022, kaya malalaman niyo iyan next year kung may offer pa.
“Basta sa ngayon lagi kami magkasama ni Willie bilang magka-ibigan at wala kaming pinag-usapan tungkol sa show niya in All TV.
“Pag nalulungkot kasi lalo na stress sa trabaho agad niya ako tatawagan at magkukwentuhan, kung minsan nga inaabot kami ng madaling araw.
“Alam niyo naman ang kaibigan kong iyan very dedicated sa kanyang trabaho, maaga pa gising na at nag-iisip kung ano ang gagawin para lalong gumanda ang kanyang show.
“Kami naman bilang barkada nandiyan lang handang dumamay sa kanya, kasi nga minsan gusto niyang may kausap hindi tungkol sa trabaho at hinahanap-hanap niya iyon.
“Regarding naman sa mga tanong niyo kung kumusta na ang lovelife ni Kuya Wil, masasabi ko lang zero, sa nakikita ko lang ha. Magdamag kasi kaming magkasama wala naman akong nakikita, sa tingin ko kasi sa kanya concentrated siya masyado sa trabaho. Siguro sa isip niya pag may lovelife siya iisipin niya pa iyon. Kung baga iintindihin pa niya.
“Wala naman kaming malalim na pinag-awayan ni Kuya Wil, tampuhan siguro mayroon, matagal kasi kami minsan hindi nagkikita-kita, dahil busy siya at busy rin ako sa trabaho, lalo na ngayon itong reality show namin na Sing-galing kasama ang ibang shows ng Cignal mag-iikot kami sa mga mall to promote kaya malamang baka matagalan na naman kami mag-bonding.
“Ang iniisip ko lang sana itong darating na Pasko pareho kaming hindi busy para may time kaming mag bonding, pero alam niyo naman ang work natin, kung kelan Pasko na para sa pamilya natin dun tayo maraming trabaho,” mahabang salaysay ni Randy.
***
NAKAUSAP namin thru messenger si dating CongressWoman Niña Taduran, na ngayon ay Under Secretary for Legislative sa DSWD or Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Usec. Niña, masaya na mahirap daw ang trabaho niya sa ngayon kung saan concentrated talaga sila sa pagtulong, “lalo na kung may mga disaster o sakuna talagang doon ang pokus namin tapos magta travel kapa, dahil magagalit ang tao sa iyo pag walang dumarating na tulong mula sa aming ahensiya.
“Kaliwa’t kanan ang tawag ng mga LGU sa amin regarding sa mga tulong na ipadadala namin kung saan may sakuna.
“Minsan na isip ko rin na masarap pala ang tumulong sa ating mga kababayan lalo kung ito’y nanganga-ilangan, panay ang pasasalamat nila sa amin at sa Panginuong Diyos. Siguro alam ng Panginuon na malapit ako sa Kanya dahil lagi naman ako nagdarasal at nagsisimba kaya siguro Siya na ang gumawa ng way para ilagay ako dito sa DSWD.”