Advertisers

Advertisers

13th Anniversary ng Ampatuan massacre

0 101

Advertisers

KAMAKAILAN ay ginugunita natin ang 13th anniversary ng Ampatuan Massacre na naganap sa Manguindanao, Mindanao na kung saan higit-kumulang sa 50 mamamahayag ang walang-awang pinaslang.

Nobyembre 23, 2009 mismo naganap ang malagim na pangyayari na sinasabing pinaka-masahol na kaganapan hinggil sa media killings.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natin ganap na nalalaman ang naging verdict o’ hatol sa mga taong nasa likod ng massacre na ito.



Ang mga principal suspect dito ay ang pamilya ng mga Ampatuan na noo’y hawak ang buong gobyerno ng Manguindanao mula sa Gobernador, Alkalde at Congressman.

Ang isa sa mga ito na si Zaldy Ampatuan ay nabalitaan nating namatay na sa loob ng bilangguan gayundin ang ilan pang kasamahan nitong akusado rin sa nasabing kaso.

Wala pa rin tayong klarong balita hanggang sa kasalukuyan ttungkol kay Gob. Ampatuan na sina-sabing ama ni Zaldy na umanoy may utos sa pag-patay sa mga mamamahayag.

Maliban dito, wala pa rin tayong alam sa kung ano na ang nangyari sa iba pang mga suspect na kinabibilangan ng ilan pulis at mismong back-hoe operator na hanggang sa ngayon ay nawawala pa rin.

Mantakin niyon 13 taon na ang lumipas nguni’t hanggang sa ngayon ay wala pa ring klarong kaganapan at balita sa kinahinatnan ng kaso.



Lumipas na lang yata ang Ampatuan massacre ng ganon-ganon lang at nabaon na lamang sa limot ang sinapit na kamatayan ng mga mamamahayag, eh ano na kaya ang buhay ng kanilang mga na-ulila?

Kung sa bagay ay maaalala pa rin natin sila sa bantayog o’ monumento na pinatayo at inalay para sa kanila ni Mr. Jerry Yap na noo’y kasalukuyang Pangulo ng National Press Club (NPC).

Ang monumentong ito ay naka-tirik sa compound ng NPC sa Intramuros, Manila na kung saan naka-ukit ang lahat ng kanilang mga pangalan bilang ala-ala sa malagim nilang sinapit..

“YOU WILL ALWAYS BE REMEMBERED”.

ILAN TAON NAMAN KAYA TATAGAL ANG PERCY LAPID SLAY?

Kung ang Ampatuan massacre ay inabot ng 13 taon, eh ilan taon naman sa palagay niyo aabutin ang Percy Lapid Slay case na isa ring kaso ng media killing.

Napaka-raming kuslos balungos at tila mabagal na mabagal ang pag-usad ng kaso hinggil sa mga imbestigasyon at proseso na isinasagawa ng tatlong ahensiya ng pamahalaan..Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation(NBI) at Philippine National Police(PNP).

Meron na ngang mga person of interest na sina-sabing mga mastermind sa nasabing kaso ngunit parang may doubt at awkward pa ang DOJ na ipag-diinan ito.

Ang sina-sabing mga mastermind ayon sa investigating body ay si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gen. Gerald Bantag at ang kanyang deputy na si Ricardo Zulueta na kasalukuyang nagtatago.

Ang pagtukoy kina Bantag at Zulueta bilang mga mastermind ay batay rin sa mga sinumpaang mga salaysay ng ilan mga inmate sa NBP.

Ang kasong dapat kaharapin ni Bantag at Zulueta ay double murder hinggil sa pagpatay umano nila kay Lapid at sa middle man na si Jun Villamor .

Sa tema ng datingan ay parang dinededma lang ni Bantag ang mga patawag na dapat niyang daluhan tulad ng inbestigasyon ng DOJ ngayong araw na ito.

No show at walang dumating na Bantag na para bang siya pa ang nagdidikta ng phasing hinggil sa kaso. Sa halip na ang DOJ ang dapat na with authority, para bang ang akusado pa ang nasa upper-hand.

Baligtad na yata ang labanan ngayon na kung sino pa ang argabyado at naging biktima, ito pa ang lumalabas na nagmamakaawa at nakikiusap, di po ba??

Ayusin at umayos sana ang dalawang kampo, magpakita naman sana ng konting angas at pangil ang kabilang panig dahil parang binu-bully na lang sila.