Angelica sanay na naka-bra lang pag nagpapadede ng baby; Julia mas gumaganda, mukhang tiyuhin na ang syotang si Gerald
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BILANG first time mom ni Angelica Panganiban, marami na itong natutunan.
Lalo na nga raw ngayon na nasa stage siya bilang padede mom.
Ibinahagi na rin nito ang kanyang karanasan bilang first time mom sa mga mommy na or soon to be.
Sa tips na ibinahagi ni Angelica ay sinabi nito sa kanyang post na paggising pa lang ng 4am ay mag- toothbrush, hilamos, umihi at magsuklay na.
Itabi na rin daw ang pangangailangan sa tabi na gaya ng remote ng TV, air con, snacks, etc.
Kumain na rin at huwag paingayin ang kubyertos at baka magising agad ang baby.
Dahil hindi na nga raw alam after na padedehin mo ang baby ay magpapalapag pa ito.
Hinanda umano ni Angelica na naka-bra na lang ito habang nagpapadede hanggang maumay ang kanyang Baby Bean.
***
MARAMI ang nakapapansin na mas gumaganda pa si Julia Barretto.
Kahit ang kanyang fans ay takang taka na rin sa sekreto ng aktres.
Sa kabila ng pagkuwestyon na nag mukhang tiyuhin nito ang bf na si Gerald Anderson, ayon sa mga basher.
Pero imbes mag-mature at humabol sa edad ni Gerald si Julia, napanatili nito ang kanyang kariktan
Ayon sa mga tagahanga nina Julia at Gerald, okey raw na mas matured or mas may edad ang lalake kaysa babae.
Sa puna kung bakit mas lalong gumaganda si Julia, ‘yun daw ay dahil happy ito sa kanyang lovelife.
Meaning, tapat at wagas ang pagmamahal ni Gerald kay Julia.
Pinatunayan daw ng netizens na true na kung happy ang kahit sino sa kanilang lovelife ay magiging blooming.
Well, well, well…’Yun na!