One year mahigit na kasal…Ara nagbakasyon pa abroad para mabuntis; Xander inamin, binayaran lang para laitin si Kathryn
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA interview ni Ogie Diaz kay Xander Ford, sinabi ng binata na gusto niyang mag-sorry nang personal at magpaliwanag kay Kathryn Bernardo dahil sa ginawa niyang panlalait dito noon.
Inamin ni Xander, bayad at para sa content lamang ang naging kontrobersyal na komento niya noon laban kay Kathryn na talaga namang ikinagalit nang husto ng mga tagahanga nina Kathryn at Daniel Padilla.
Nabanggit ni Xander na humingi na siya ng paumanhin sa lahat ng supporters at followers ni Kathryn sa social media.
Aniya pa, labag daw talaga sa kanyang kalooban ang mga ipinost niya noon laban kay Kathryn at pinagsisisihan na niya ito. Sana raw ay magkaroon siya ng chance na ma-meet nang face-to-face ang dalaga.
Sabi pa ni Xander, kitang-kita naman daw ng publiko ang kagandahan ng dalaga at wala naman talaga siyang balak na siraan at laitin ang hitsura nito.
“Actually du’n sa content na ‘yun, labag po sa kalooban ko ‘yun. Sabihin na natin na content, pang-content lang talaga, bayad ako,” pag-amin ni Xander.
“Actually po, nanghingi po ako ng sorry sa mga fans. Pero ‘yung isang pangarap ko po talaga na makaharap si Ate Kathryn ng personal, na makapaghingi ako ng sorry,” dugtong niya.
At least si Xander, marunong umamin ng pagkakamali, at magawang mag-sorry sa nagawa niyang panlalait noon kay Kathryn.
***
HINDI pa rin nababuntis si Ara Mina kahit isa’t kalahating taon na siyang kasal kay Dave Almarinez.
Kamakailan ay bumiyahe ang mag-asawa sa Budapest, Hungary at Vienna, Austria upang magbakasyon at bumuo ng baby.
Sa ekslusibong panayam kay Ara ng PEP.PH, tinanong siya kung may nabuo na bang baby sa kanyang sinapupunan after nilang magbakasyon ni Dave sa ibang bansa, ang sagot niya,”Okay naman. Hindi pa kami nakabuo, but in God’s time.
“If ever, puwede pa rin naman next year kasi I’m doing another show, another TV series, so we’ll see.
“Kung makakabuo, e, di thank God.”
Hindi naman daw sila nagmamadali na magkaroon ng panganay.
“Hindi naman, hindi naman. Pero tingnan natin. I’m giving myself one year na mag-try.”
Sa ngayon, habang hindi pa buntis ay sasabak muna si Ara sa taping ng isang serye.
Kung magtatrabaho siya, hindi siya makakapag-concentrate sa pagbubuntis. Pero ayon kay Ara, sayang naman daw kasi ang offer.
“Sayang kasi, e. May nag-o-offer, e, I think it’s a blessing.
“Kapag may nag-o-offer, why not tanggapin kasi hindi naman magiging hindrance yun kung mabuntis ako.
“I don’t think na magiging malaking problem yun lalo na kung ang role ko is mom,” paliwanag pa niya.