Advertisers

Advertisers

PBBM magpapalit ng bagong economic managers, mga ‘bata’ ni Du30 kakalusin?

0 142

Advertisers

MUKHANG mangyayari ang sinabi ni ex-President Rody Duterte na bibigyan n’ya lang ng anim na buwang “honeymoon” ang Marcos administration.

Oo! usap-usapan sa loob na bubuwagin ang kasalukuyang economic managers ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. na karamihan ay mga “bata” ni ex-President Duterte.

Nitong Martes lang ay pumutok ang balitang sisibakin si Finance Secretary Benjamin Diokno.



Si Diokno ay dating Budget Secretary under Duterte administration.

Bagama’t ito’y pinasinungalingan ni Diokno at sinabi rin ni PBBM na “fake news”, pero sabi nga “Kapag may usok, may apoy”.

Hindi puputok ang balita kung walang naging usapan. Si 2nd District Representative Joey Salceda nga raw ang papalit kay Diokno.

Si Salceda ay malapit na kaibigan ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio na sanggang-dikit naman ni PBBM.

Si VP Inday Sara ay hindi kasundo ng kanyang ama.



Maliban kay Diokno, ilang miembro pa ng gabinete ni PBBM na mga dating nagsilbi kay ex-Pres. Duterte ang balitang papalitan sa sunod na taon, 2023.

Mukhang dito na magsisimula ang bangayang Duterte at Marcos.

Subaybayan!

***

MUKHANG mahihirapang makumpirma ang pagtalaga kay DSWD Secretary Erwin Tulfo.

Sa ikalawang pagdinig ng Commission on Appointment (CA) kay Tulfo last Tuesday ay nabulilyaso ang pagkumpirma sa nakababatang kapatid ng mga hard-hitting veteran broadcasters/columnists Ramon, Ben at Senador Raffy.

Ito’y matapos masilip ang pagiging American citizen at conviction sa Libel ni Tulfo.

Matagal din kasing nagtrabaho sa Amerika si Tulfo katulad nina Raffy at Ben kungsaan naging US citizen sila bago napasok sa media.

Pati ang makulay na buhay pag-ibig ni Tulfo ay naungkat. Hehehe… May 10 pala itong anak na iba-iba ang nanay. Pero ang isyung ito sa personal na buhay ay walang problema sa CA. Lahat naman ng lalaking kinatawan ng CA, check boys! Mismo!

Ang problema lang talaga ni Tulfo para makumpirmang DSWD Secretary ay ang kanyang American citizenship at conviction sa Libel.

Remember late ex-DFA Secretary Perfecto Yasay? Hindi rin siya nakumpirma noon dahil sa kanyang pagiging US citizen.

Kahit si Senador Raffy, na maganda ang ginagawa ngayon sa Senado, ay convicted rin ito sa Libel at nakasuhan pa ng ‘Bigamy’.

Paano nga kaya nakalusot ang kandidatura ni Raffy sa Comelec gayung mayroon siyang conviction?

Anyway, ang mga Tulfo ay hindi matatawaran ang kanilang pagtulong sa mamamayan. Pero ang batas ay batas. Malupet! Pero yan ang batas!

Kailangan lang ni Sec. Tulfo na mapatunayang itinakwil na niya ang pagiging American citizen at naayos narin ang conviction sa Libel para maging legit Secretary siya ng Department of Social Welfare and Development, or else masasayang ang magagandang programa niya sa ahensiya. Mismo!