Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA nakaraang “It’s Showtime’s” 13th-anniversary celebration ay hindi nakalimutan ng main host na si Vice Ganda na pasalamatan ang lahat ng naging parte at kasalukuyang kasamahan sa naturang noontime show.
Tila nagbigay tribute si Vice sa mga nakasama sa programa.
“Gusto ko pa ring magpasalamat sa mga hindi na natin kasama. Dahil ‘yung mga hindi na natin kasama, sila ‘yung mga nagsimula ng programang ito, isa sila sa mga unang nag-isip. Isa sila sa mga taong unang nagtaguyod, napagod, at nandidito na naging parte ng show. Gusto kong magpasalamat, balikan ang mga pinagmulan natin,” say ni Vice.
At siempre kasama na rin dito si Vhong Navarro na kahit parte pa rin sa kasalukuyan ay hindi na rin nila nakakasama sa halos isang buwan na rin sanhi ng hinaharap nitong kaso na isinampa ni Deniece Cornejo.
Kasabay din halos ng selebrasyon ng “It’s Showtime” ay inilipat naman ng selda si Vhong, from NBI detention cell going to Taguig City Jail.
“Vhong, hinding-hindi ka namin nakakalimutan. Araw-araw naaalala ka namin at araw-araw, nagdadasal kami para sa iyo. Kasama ka namin dito at excited na makasama ka naming muli dahil alam naming makakasama ka namin. Mahal na mahal ka namin, Vhong Navarro,” dagdag na say pa ni Vice.
***
BILANG isang baguhang sexy star at kasama sa all sexy star cast na “Alapaap” ay hindi naiwasan na patulan ni Andrea Garcia ang patutsada ng isang celebrity hinggil sa hindi magandang kalagayan ng sexy movies sa bansa at sa pagiging palaban na hubadero at hubaderang kahit mga bagong salta palang sa industriya, as in ginagamit ang katawan bilang puhunan para mapuna at magkapangalan sa showbiz.
“There’s a lot of criticism. A lot of shame is being put on us. But I guess in general, kahit anong industry pa man, as long as you’re doing something you love; you are not stepping on other people, and you’re succeeding in it.
“Kumbaga, go succeed, as long as you are not hurting anybody else. Kumbaga, ‘art of dedma’. Don’t take criticism to heart,” say ni bombshell Andrea.
“Alapaap’ is now streaming in all Vivamax apps and under the directorial debut of Friedrick Cortez with Brillante Mendoza as creative producer na pinagbibidahan nina Josef Elizalde, Asi Asistio, Katrina Dovey, Andrea Garcia, Angela Morena, Luke Selby at Chesca Paredes. Istorya ng isang grupo ng barkadahang lalake at babae na nagpunta sa isang liblib na bayan para gumawa ng isang short film project pero nang subukan ng barkadahan ang isang pinagbabawal na bagay na magdadala sa kanila sa cloud nine ay nauwi sa isang hell experience.