Advertisers

Advertisers

6 NPA TODAS SA BAKBAKAN SA SAMAR!

0 167

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI lingid sa kaalaman ng nakararami na ang partners na sina Angeline Quinto at Nonrev Daquina ay parehong deboto ng itim Nazareno.
Hindi naman itinanggi ng singer- actress na marami itong kaibigan sa Quiapo church.
Kaya naitanong sa dalawa nang makapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda kung nagpaplano na ba silang magpakasal ngayong may baby na sila na si Sylvio.
Napag-uusapan naman daw nila ng kanyang partner ang kasal.
Pero hindi pa raw sa ngayong tutok sila sa kanilang panganay na si Sylvio.
Naibulalas ni Angeline na pangarap niyang maikasal.
Inihayag din ni Angeline na dream nito na sa Quiapo church sila maikasal ni Nonrev.
Pero gusto rin ni Angeline na maidala sa iba’t ibang bansa ang anak at dyowa na tulad ng kanyang Mommy Bob na nailibot nito sa isang bansa.
***
MISMONG si Nadine Lustre ay nagpahayag na puwede sila mag-work together ng ex na si James Reid.
Ayon kay Nadine, wala naman daw silang matinding away ni James para mag-work sa movie or serye.
Kaya anytime na may offer ay ubra naman na magkaroon sila ng reunion project ng ex.
Sa tanong ng JaDine fans na asa pa rin na ang dalawa ang magkakatuluyan.
Pero buwelta ni Nadine sa mga umaasa pa na maging sila ulit ng ex, mag-2023 na nga raw at need na mag move on.
Paano nga raw mangyayari ‘yun eh happy na si Nadine sa foreign bf na si Christophe Bario.
Busy din naman si James sa pagma-manage ng karera ni Liza Soberano na umaasa na ma-invade ang Hollywood.
Well, well, well…’Yun na!