Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HINDI lubusang makapaniwala ang hostl ng drama anthology ng GMA7, ang “Magpakailanman” na si Mel Tiangco sa lumabas na official press release ng Kapamilya Network hinggil sa pagtatapos na sa ere ng kabilang longest drama anthology show for 31 years na “Maalaala Mo Kaya” o MMK.
Kamakailan lang through a short video na in-upload sa social media, pormal nang ipinaalam ni Charo Santos sa publiko ang pagtatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ere sa darating na Disyembre, pagkatapos na maipalabas ang 3 part series ng kanilang 31st anniversary episode. Pinasalamatan ni Ate Charo ang lahat ng naging bahagi ng kanilang programa, mula sa ABS-CBN management, mga artista, ang mga taong nasa likod ng production, ang kanilang letter senders at mga manonood sa loob ng halos tatlong dekada.
Natapat naman noon sa 20th anniversary ng MPK presscon ang isang tanong na wala pang kasiguruhan dahil sa bulung-bulangan lang na mawawala na nga sa ere ang katapat na show ni Tita Mel.
Aniya:
“I hope it’s not true. I hope it’s not true, ’di ba, because walang makakapalit sa “Maalaala Mo Kaya.” You know, it is a class of its own.
“Talagang hindi biro ’yon, pag natapat ka noon sa ‘Maalaala Mo Kaya’, naku! Magdasal ka na sa lahat ng santo. ’Di mo maaano ’yan, ’di mo matatalo. Tumapat lang talaga ang “Magpakailanman”. Ang kapal ng mukha ko, e!
It’s all professional, Darling. It’s all professional. There’s nothing personal there. This is all professional,” say ni Tita Mel.
***
AJ RAVAL AT ANGELA KHANG, KABUGAN
SIGURADONG piyesta ang masusugid na followers nina AJ Raval at Angeli Khang dahil sa latest na Vivamax offering na erotic drama, ang “Us X Her”, magkasama na silang dalawa with Kiko Estrada as their leading man. Ang “Us x Her” ay istorya ng tatlong nilalang na nabuhay sa isang komplikado at magulong relasyon. Isang unhappy wife na ginampanan ni AJ, ang isa naman ay obssessed mistress na karakter ni Angela samantalang si Kiko naman ang unfaithful husband.
Hindi lingid sa lahat na si Angeli ang tinuturing na malaking banta sa trono ni AJ sa Vivamax, hindi rin nawawala na lagi silang pagkumparahin na dalawa. Ngayon na kasama na nga ni Angeli, ang original na reyna ng Vivamax sa isang movie, ano kaya ang naging pakiramdam niya sa una nilang pagkikita sa set?
“When I learned I will work with AJ, kinabahan ako, kasi nga lagi kaming pinagko-compare. But I also got excited to work with her as I know she’s a good actress. Sa shooting, we got along fine with our kulitan, food trip, kwentuhan. Masaya siyang kasama. We didn’t feel any competition at all on the set,” say ni Angeli.
How about naman with Kiko, since nang unang sabak ng young actor sa sexy movie, sa “Sitio Diablo” ay si AJ ang ‘nakabinyag’ sa kanya?
“Si Kiko is great, also with AJ. May bedscenes kaming tatlo, threesome, at nagtatawanan lang kami at kumakain pa kami while we’re in bed. Very comfortable ako to work with them ni AJ. We help guide each other,” dagdag na say pa ni Angeli.