Advertisers

Advertisers

DOROBONG CA NG ISANG LGU SA NCR

0 223

Advertisers

Kilala sa pagiging masiba sa SOP ang bagong nakaupong City Administrator ng siyudad na ito diyan sa Southern Metro Manila.

Palibhasa galing sa isang siyudad kung saan talamak ang droga,sugal at korapsiyon kung kayat nahulma ang pagkatao at pag- ugali sa kawalanghiyaan.

Naging CA din ito ng isang siyudad kung saan ang nakaupong alkalde ay direktang involved sa droga at sugal.



Walong taon din itong naghasik ng lagim sa nasabing siyudad sa CAMANAVA.

Ewan nga lamang natin kung paanong nasampid ang DOROBONG CA na ito sa nasabing desenteng lungsod na dating pinamamahayan ng mga matinong tao.

Salot ang Mamang ito na naging CA samantalang di naman ito residente ng nasabing siyudad.

Kung sino pa yung sampid at dayo lamang ay yun pa ang pasimuno ng katarantaduhan.

Nitong isang linggo lamang harap- harapan itong inakusahan ng pangongotong ng isang nagrereklamong babae sa harap MISMO ng alkalde ni CA.



Hindi mai- drawing ang mukha ng DOROBONG CA ng tanungin ni mayor kung may katotohanan ba ang akusasyon sa kanya (CA).

Dahil sanay sa kawalanghiyaan, nakuha pa ni CA na ngumiti at pabulaanan ang akusasyon.

Wag ka sa mismong mayor’s office nangyari ito sa harapan ng maraming tao.

Hindi lamang pala ito ang katarantaduhang ginagawa ni CA.

Binitbit pa nito sa city hall ang kanyang kulasisi (KABET) at ginawa nitong chief of staff nya.

Sagad sa buto pala ang kademonyohan ng abogagong ito na alter ego ngayon ng kanyang kekendeng- kendeng na mayor.

Same feather flock together talaga.Pareho Sila ng kanyang bosing na alkalde na nagtatampisaw sa immoralidad at kababuyan.

Di na nirespeto ang mismong city hall at ang GOBYERNO ng lungsod.

Mga ganito kabulok na mga opisyal ang dapat tinotokhang at inirarampa.

Likas sa pagkatao ng mga ito ang kawalanghiyaan at walang karapatang manilbihan sa GOBYERNO bilang mga public servants kuno.

Walang moral ascendancy para pamunuan ang isang pamayanan.

Going back Kay CA Dorobo,marami ang nagrereklamo sa tahasan nitong paghingi ng SOP at komisyon sa lahat ng contractors ng city hall.Garapal at sagyang walang takot as in parang normal na lamang ito na kalakaran.

Hindi marunong mahiya!

Sa opisina nga nito, normal ng pera- Pera at pagkaka- perahan ang usapan.

Ika nga,sobrang talim talaga itong si CA na dating aso ni Boss Len A. hehehe!

Di ba Katotong Bong Padua?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com