Advertisers

Advertisers

Kawawang Bince!

0 197

Advertisers

Ang champion natin sa chess sa Eastern Asia Youth Chess Championsip ay natulog sa Bangkok Airport ng tatlong gabi dahil sa kawalan ng pondo para sa hotel. Susmaryosep, pagkatapos manalo ng siyam na taon na bata ay ito pa ang ganti natin sa kanya.

Pinagsikapan ni Bince Rafael Operiano na magwagi at magbigay ng karangalan para sa Pinas tapos ito pa ang sinapit ng chess wizard.

Samantala ang Pangulo may junket trip sa naturang bansa kamakailan din at siyempre 1st class ang accommodations nila.



May social media post pa ang House Speaker na nakaka-proud daw maging Pinoy dahil sa child prodigy na tubong Oas, Albay.

Siya na pinsan ng Presidente at kasama mismo sa bayan ng mga Thai para sa APEC Meet parang hindi naantig o tinablan.

Hay naku mga taga PSC at chess federation hindi pa rin kayo natuto sa pag-alis sa atin ni Wesley So.

***

Ito palang UST standout na si Nic Cabañero ay recruit pa ni Aldin Ayo nang siya pa coach ng Growling Tigers.



Grade 12 siya nang lumipat sa España based na school. Galing siya ng San Beda kung saan siya nag-aral ng Grade 10 at 11.

Sayang nga daw at wala na sa Pontifical University ang kampeon na mentor.

***

Nakasabay ni Pepeng Kirat ang Thai delegation sa Queen Alia International Airport sa Amman, Jordan na lumahok sa Asian Boxing Confederation’s Elite Championships.

Mabuti raw at may isang opisyal na marunong mag-Ingles. Olat daw sila. Mabuti pa raw tayong mga Pinoy may isang gold medalist doon. Nadaig ni Carlos Paalam ang katunggaling taga- Kazakhstan para sa tanging ginto ng Pilipinas.

***

Ayon sa ating ibong pipt ay nakita at nakausap niya si Coach Olsen Racela bago ang bakbakan nila ng utol na si Nash sa SM

MOA noong Miyerkules. Palabas raw ang ex-PBA point guard sa simbahan malapit sa venue ng FEU-Adamson encounter.

Baka mas matindi ang dasal ng mentor ng Soaring Falcons at higit na maganda preparasyon nila sa game kaya sila ang pinagpala na magwagi.