Advertisers

Advertisers

Mayor Honey sa illegal vendors: “Wag na kayong magbakasali pa”

0 200

Advertisers

“Huwag na kayong magbakasakali pa.”

Ito ang payong binigay ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga illegal vendors, kung saan binigyang diin nito na ang no illegal vendor policy ng city of Manila ay mananatili hanggang sa kabuuan ng holiday season.

Ibinahagi rin ni Lacuna na nanatili ang kanyang direktiba kaugnay sa tuloy-tuloy na clearing operations sa mga lugar na ‘di pinapayagan ang mga vendors tulad ng Divisoria, Recto, Blumentritt at Carriedo.



“Bawal pa rin po ang illegal vendors. Meron lang pong specific lugar kung saan tayo pupuwedeng mangalakal,” pahayag ni Lacuna nang siya ay mag-guest sa MACHRA’s (Manila City Hall Reporters’ Association’s) Balitaan sa Harbor View, kung saan sinabi niya rin na hindi nagbabago ang polisiya ng city government pagdating sa mga illegal vendor.

Idinagdag din niya na: “Diretso pa rin ang clearing operations naming, kaya kami ay nananawagan sa mga illegal vendors na ‘wag nang mag-bakasakali pa, dahil di ho kami titigil na araw-araw linisin ang Divisoria, Recto, Blumentritt at Carriedo nang sa gayon, mas madami po ang makakapunta at makapamili nang maayos sa areas na ito, maluwag kasi.”

Nanawagan din ang kauna-unahang lady mayor sa lahat ng mga residente at hindi residente ng Maynila na magkusa nang magsuot ng face masks kapag pupunta sa lugar na hindi maiiwasan ang physical distancing kahit pa ito ay outdoor areas.

Labis namang ikinatuwa ni Lacuna na kahit na kahit saan siya magpunta ay nakikita niya ang mga tao na nakasuot pa rin ng facemasks kahit outdoors at di na kailangan pang sabihan o paalalahan.

“Kapag ‘yung lugar di mapapanatili ang physical distancing, kailangan mag- mask. Isa po ‘yan sa tinututukan namin eh. Pero pag kayo naglibot, naka-facemask pa din ang mga tao. Hindi kailangan sabihan. Sa sarili nila siguro, gusto nila ligtas sila,” sabi pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">