Advertisers

Advertisers

Okey ba sa inyo i-decriminalize ang paggamit ng mga iligal na droga?

0 222

Advertisers

GUSTO ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa i-decriminalize o hindi kasuhan ng kriminal ang mga gumagamit ng iligal na droga dahil masikip na raw sa kulungan. Ngek!

Okey ba sa inyo ito, mga pare’t mare?

Ako, hindi ako sang-ayon sa ideyang ito ni Bato. Dahil lalo lamang dadami ang gagamit ng iligal na droga, kahit sabihin pang “for medical use” gaya ng marijuana. Eh binibigyan mo lang dito ng rason ang mga adik na lalong magpaka-adik. At binibigyan mo rin ng dahilan ang mga tulak sa paglalako ng droga. Mismo!



Mantakin mong ideyang ito ni Bato. Ide-decriminalize mo ang paggamit ng droga dahil lamang sa masikip na ang mga kulungan. Fuck!

Ang dapat isulong ay ang pagsaayos sa mga rehabilitation center, hindi ang pag-decriminalize sa paghigop ng illegal drugs. Mismo!

***

Atat na atat si Engr. Eddie Guillen, ang dating alkalde ng Piddig, Ilocos Norte, na maupo nang administrator ng National Irrigation Administration (NIA).

Kinausap na raw siya ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. para “ayusin” ang NIA, matapos masuspinde ng Ombudsman ang administrator na si Benny Antiporda dahil sa mga reklamo ng ilang opisyal sa kagawaran na naunang inireklamo ni Benny ng katiwalian sa Office of the Ombudsman.



Sina Guillen at Antiporda ay dating magkasama sa board.

Sabi ni Guillen, suportado niya ang mga pagbabagong ginagawa ni Antiporda sa NIA. Pero bakit mukhang “tinitira” niya ngayon ang nasuspindeng administrador?

Si Antiporda ay hindi pa totally out sa NIA. Wala pang sinasabi si PBBM na papalitan o pinalitan niya si Antiporda.

Sabi naman ni Antiporda, ‘pag sinabi sa kanya ni PBBM na lisanin niya na ang NIA, ora mismo ay mag-aalsa balutan siya. Hindi raw siya magkakapit-tuko sa posisyon. Ang hangad niya lang ay malinis sa katiwalian ang NIA na pinamumugaran na raw ngayon ng mga korap na opisyal, na panahon pa ng denosaur ay nasa puwesto na!

So far, hinihintay naman ni Antiporda ang desisyon ng Ombudsman sa matagal na niyang isinampang reklamo laban sa dalawang “notoryos” na opisyal sa kagawaran.

Tutukan!

***

Hindi na raw matagpuan si suspended BuCor Director General Gerald Bantag.

Ang kanyang abogado nalang, si Atty. 29 este Balisong ang sumasagot sa mga tanong ng media.

Nararamdaman na kasi ni Bantag kung ano ang kahihinatnan ng mga ikinaso sa kanya ng Department of Justice kaugnay ng pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor.

Sa tindi ng palitan ng maaanghang na mga salita nila ni Justice Secretary “Boying” Remulla, alam ni Bantag na maiisyuhan siya ng arrest warrant.

Sabi ni Bantag, hindi siya pahuhuli. Lalaban siya ng patayan. Dahil kakarnehin lang daw siya sa loob (selda) ‘pag nagpaaresto siya.

Naniniwala ako na mahihirapan ang mga awtoridad na mahuli si Bantag. Dahil makapal ang pamilya nito sa Cordillera. Siguradong susuportahan siya ng mga kapwa niya Igorot.

Malakas ang kutob ko na magagaya kay Father Balwig si Bantag. Subaybayan!