Advertisers

Advertisers

Sanya gaganap sa lifestory ni Maegan sa #MPK; JulieVerse concert, physical na

0 319

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

TINANONG namin ang GMA RTV & Synergy First VP and Head na si Oliver Amoroso kung hindi ba sila nagkaroon ng second thoughts na gawing physical ang JulieVerse concert, na may live audience mamayang gabi, November 26 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa Pasay City.
May pandemic pa rin kasi ng COVID-19 pero mas maluwag na ang mga restriction at health protocols kumpara noong 2020 at 2021, at may mga bakuna na kontra sa mapaminsalang virus.
“Actually kung titingnan natin almost two-three years in the making ito. Nung unang-una talaga, nung nag-usap kami nila Julie ng team niya, ng Synergy, ng Entertainment, gusto talaga naming physical concert.
“Kasi iba talaga e, yung vibe. Yung nandun ka sa isang arena, sa isang performing arts theatre, but hindi namin nagawa siya.
“Sabi namin what’s the closest that we can do? We’ll bring you to the provincial areas and then we’ll have Julie perform there. Tapos nung medyo nag-ease down na, we saw cities opening na nagta-transition na tayo sa new normal, in fact yung sa mask, [voluntary na], di ba?
“Sabi namin I think ito na yung right time e, ‘no? We chose the date, yung November 26 talagang pinag-aralan siya before we were able to determine na, ‘Sige, let’s go na’, physical ‘no?
“Face-to-face na concert, I think tamang-tama na siya e, the timing. Ang dami na ring concerts, there are a lot of physical concerts happening now, left and right, so iyon it is really the right timing,” pahayag ni Mr. Amoroso ng GMA Synergy na producer ng JulieVerse na collaboration na concert nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, sa direksyon ni Paolo Valenciano.
Guest performers sa concert ang Sparkle sweethearts na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.
***
TULUY na tuloy na ngayong gabi, Sabado sa GMA, ang first part ng life story ni Maegan Aguilar, ang singer na anak ng music icon na si Freddie Aguilar.
Hindi ito natuloy maipalabas nitong nakaraang linggo dahil sa ilang technical problems, pero ngayong November 26 ng gabi ay sure na mapapanood ang Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story na ang gaganap na Meagan Auilar ay ang Sparkle leading lady na si Sanya Lopez.
Tampok din sa naturang brand new episode ng Magpakailanman o #MPK bukod kay Sanya sina Neil Ryan Sese bilang Freddie Aguilar, Dion Ignacio as Oliver, Jason Abalos as Xander, Jon Lucas as Lyndon, JM San Jose as Zion, Noreah Casaljay as Alyssa, Choline Bautista as Mafi, at si Shyr Valdez bilang ina ni Maegan.
Sa direksyon ni Neal del Rosario, bahagi ito ng month-long 20th anniversary ng Magpakailanman o #MPK.