Vhong obyus ang pagpayat nang ilipat sa Taguig City Jail; Jaclyn siniguro, taga-showbiz din ang hacker
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAMAKAILAN ay inanunsiyo ni Jaclyn Jose na na-hacked o nabiktima ng hacker.
Ibinuking ni Jaclyn ang estilo ng hacker.
Mangungumusta raw ito muna after ay mangungutang na.
Kaya payo ni Jaclyn na huwag pansinin or dedmahin.
Isiniwalay din ng mudra ni Andi Eigenmann na pati kaibigan niya ay inuutangan at buti na lang daw di ito naniwala.
Dahil magbigay na nga ng impormasyon si Jaclyn ay na-hacked ang kanyang account at number.
Pero kinutuban ang award winning actress at may duda kung sino ba ang hacker.
Dagdag pa ng aktres na taga industriya lang din ang hacker.
Kahit nga ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ay nabiktima rin ng hacking kamakailan.
Kaya pinag-iingat ni Jaclyn na huwag naniniwala agad sa mga nangungumusta dahil kasunod nito ay ang pangit na pakay ng tao sa simula.
***
SA paglipat ni Vhong Navarro from NBI to Taguig City Jail, nag-alala ang mga kaanak at kaibigan niya.
Pansin din nga ang pagkahulog ng pangangatawan ni Vhong.
Sino ba naman ang di made-depressed sa sitwasyon ngayon ni Vhong, sey ng netizens.
Kahit nga ang mga showbiz blogger ay napansin din ang pagbagsak ng katawan ng singer actor host.
Okey, maganda at maayos ang kulungan sa Taguig City Jail, pero ayon sa netizens na kahit anong ganda pa ng kulungan, ang kulungan ay kulungan pa rin.
At paniniguro na di masasaktan si Vhong doon dahil mahigpit daw ang mga warden doon.
Wish ng kampo ni Vhong na mapagbigyan ito na makapagpiyansa at makalaya kahit pansamantala.
Well, well, well…’Yun na!