Advertisers
ISA na namang matagumpay na misyon ang naisakatuparan ng Binondo Brilliant Elite Eagles Club sa pamumuno ni businessman, civic leader,public servant/ sportsman Homer Razado katuwang ang pinagpipitagang grupo ng proyektong Hospital on Wheels (HoW)- isang noble project na nakasentro sa mga less fortunate nating kababayan kung saan ang mobile hospital( isang malaki at modernong bus na equipped ng laboratoryo,x-ray at iba pang state- of – the-arts medical equipments at clinic in one) ang siyang lalapit sa tao partikular iyong mga may karamdaman pero walang kakayahang magpagamot at magpa-ospital bunga ng kahirapan.
Ang matagumpay na negosyante, pilantropo, public servant/sportsman ( billard,table tennis, golf) na si G.(Kuya) Razado na siyang pinuno ng BBEEC ay sinasaluduhan ng korner na ito sa naisip niyang konsepto ng pagtulong sa kababayang higit nangangailangan pero di gaanong napag-ukulan ng atensiyon ng pamahalaan kung kaya ang katulad ni Razado na pinuno ng civic group ay napag-isip na ilapit ang clinic na may medical mission ang lalapit sa masa sa halos lahat ng konstituwente sa barangay ang matutulungan lalo na sa kagalingan at medical na aspeto.
Marami pang susunod na proyekto ang proud Bicolano na nasa alta sosyedad ng lipunan pero ang puso ay para sa ibaba ng tatsulok na nais niyang i-outreach program na siya rin namang tema ng kanyang pinamumunuang civic group na nasa basbas ng Phil.Born Fraternity-
The Fraternal Order of Eagle.Kamakalawa ay napakalaking bilang ng constituents ss Binondo ang nabahaginan ng biyaya ng proyektong Hospital on Wheels ng BBEEC ni G.Razado na suportado nina Manila Mayor Honey Lacuna ,Cong.Joel Chua,Police Lt. Salandanan,Team Executive Director of Binondo Development Council Willord Chua,District 3 Barangay Captains and the whole team of Dr.Jim Sanchez at Dr. August Vergara ng Hospital on Wheels.
Ang naturang charity mission sa Maynila ayginanap sa Marcela Agoncillo Elem. School sa Binondo at tiniyak ni Kuya Pres.Homer na ito masusundan pa ng ganitong uri ngoutreach program sa buong kapuluan..ABANGAN!!!