Advertisers
PATAY ang 42-anyos na court probation employee nang barilin ng riding in-tandem sa Sto. Tomas City nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni Police Major Allan Nidua, Sto. Tomas deputy police chief, ang biktima na si Arnel Montablan, residente ng Barangay San Vicente, Sto Tomas City, at probation employee ng Tanauan City court.
Ayon sa report, nakaupo lang si Montablan sa gilid ng barangay road nang lapitan ng salarin at barilin ito 7:35 ng gabi.
Batay sa salaysay ng mga saksi, may taas na 5’8” hanggang 5’11’’ ang gunman, naka white T-shirt at black jacket.
Mabilis na nakatakas ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho ng naghihintay na kasamahan at sumibad patungong Barangay San Vicente.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.