Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki na kabilang sa high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bataan PNP sa Barangay Gabon, Abucay, Bulacan.
Kinilala ang nadakip na si Ishad dela Fuente, 38 anyos, residente sa nabangit na lugar.
Nakuha kay Dela Fuente ang 109 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P731,200.00 at buy bust money.
Kilalang tulak si Dela Fuente sa kanilang bayan, na nasa target list sa iligal na droga. (Thony D. Arcenal)