Advertisers
KASADO na ang Final Four ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament upang pag-agawan ang dalawang finals slot.
Nasilo ng College of Saint Benilde ang top seeding matapos itala ang 14-4 rekord sa pagtatapos ng double-round robin elimination round.
Nasa ikalawa ang nagdedepensang Letran (13-5) kasunod ang Lyceum of the Philippines University (12-6) at San Beda University (12-6).
Sa pag-usad sa semis ay armado ang Blazers at Knights ng ‘twice-to-beat’ advantage.
Magkukrus ang landas ng Benilde at San Beda, habang maghaharap ang Letran at Lyceum sa hiwalay na semis match.
Sa ngayon ay hawak ng Blazers ang 2-0 baraha laban sa Red Lions.
Ibinaon ng Benilde ang 78-69 panalo sa San Beda sa first round bago muling nanaig, 82-73, sa second round.
Sa kabilang banda, may 1-1 rekord ang Letran at Lyceum sa eliminasyon.
Wagi ang Pirates sa Knights sa first round, 82-75, ngunit wala sa lineup ng naturang laro sina Letran key players Louie Sangalang at Brent Paraiso na parehong pinatawan ng suspensiyon.
Nakaresbak ang Letran sa second round nang ibulsa ang 68-64 panalo sa Lyceum.
Lalarga ang Final Four sa Martes isang araw para makapag recharge at maihanda ang kanilang tropa sa bakbakan sa semis.