Advertisers

Advertisers

Angela suportado ang pagbibida ng utol

0 258

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

ISA ang sexy actress na si Angela Morena na itinuturing na A-lister among Vivamax sex stars.
Katunayan, nakapagbida na siya sa mga pelikulang tulad ng “Tubero”, “X Deal2” at “5-in-1” at iba pa.
Ngayon naman, suportado niya ang first title roler ng kanyang nakababatang kapatid na si Micaela Raz sa pelikulang “Bata Pa Si Sabel” na ginagampanan niya ang papel ng best friend nito.
Aniya, bilang ate, proud daw siya sa pagbibida ng kanyang sister.
Masaya rin siya dahil parang “bonding movie” nila ang nasabing obra ni Direk Reynold Giba.
Na-excite rin daw siya nang sabihing magkakasama silang magkakapatid sa isang proyekto pati ang isa pa niyang sister na si Stephanie Raz.
“Na-pressure ako, kasi hindi ako ‘yung bida, si Mica. So, first time niya magbida. So, ramdam ko ‘yung pressure niya,” bungad ni Angel
Hirit pa niya, wala raw siyang nararamdamang inggit o insecurity sa kapatid.
“Andu’n ako bilang ate na kailangan ko siyang alalayan, kailangan ko siyang tutukan. Na laging sinasabi sa amin ni tita Lara na magtulungan kami everytime na magkakatrabaho kaming tatlo,” pahayag niya.
Ang tinutukoy niyang tita ay ang dating actress na si Lara Morena.
Sey pa niya, naging bahagi raw ng bonding nilang magkakapatid ang rehearsal at script-reading since magkakasama sila sa iisang bahay.
“Script-reading, throw lines, and pag-practice ng script and ‘yung pag-immerse ng character, especially ang madalas kong kaeksena dito, si Sabel, si Mica,”ani Angela. “So, du’n sa iyakan scene namin, talagang kailangan naming humugot. So, ang ginawa namin du’n, ‘naalala mo ba ‘yung pangit na nangyari sa ‘tin?’ So, doon, mas naging madali kami na umiyak and magaling din sina direk Brillante Mendoza saka si direk Reynold kaya talagang nagabayan kami all throughout the film,” dugtong niya.
Bulalas pa niya, sobrang na-overwhelmed din daw siya sa husay na ipinakita ng kapatid na bigay-todo sa mga eksena nito.
Isa raw sa mga eksenang hindi dapat kaligtaan sa movie ang pagtatapatan nilang magkakapatid hindi lang sa tunggalian sa acting kundi pati sa mga hubaran at sex scenes.
Ang “Bata sa Sabel” na iprinudyus ng Centerstage Productions ni Direk Brillante Mendoza para sa Viva Films ay nagtatampok din kina Benz Sangalang, Chad Solano, Rash Flores, JC Tan at Aica Velosso.
Palabas na sa Vivamax simula sa Disyembre 2, kasama rin sa cast sina Gardo Versoza, Katya Santos, Julio Diaz, Rey “PJ” Abellana at Carlene Aguilar.