Advertisers

Advertisers

Bully Bird!

0 219

Advertisers

Ireng si Larry Bird na isa sa pinakamahusay at pinakasikat na naging bahagi ng NBA ay itinuturing na isang bully noon.

Ipinakita niya ito sa galing sa opensa at depensa pati na rin sa pananalita niya sa laro. Siyempre bahagi ito ng psy-war sa loob ng game.

Inaamin niya hindi siya ang pinaka-athletic o pinaka-skilled na player nguni’t isa sa pinakamasipag.



Kahit sino itapat sa kanyang guwardiya ay kaya niyang lusutan. Ang katunggali naman ay hindi niya tatantanan sa pagpigil makaiskor.

Kasama diyan ang trash-talking sa kalaban. Pati nga mga kakampi ay biktima niya rin sa ensayo.

Minsan si Dennis Rodman ang bantay niya at ilang ulit siya nakabuslo. Sinabihan niya ang tinaguriang The Worm na hindi siya kaya. Pati coach ng opposing team nawikaan na palitan na si Rodman at iba ang itapat sa kanya.

Yung mga teammate niya sa Boston hindi rin niya pinapalampas. Tanungin ninyo si Celtic Wayne Kreklow na kabilang sa champion squad ng 1980-81.

Aba hindi umubra si Kreklow, bokya niya parati sa praktis.



Pero kung bully ang may suot ng jersey number 33 ng Boston ay kilala rin siya bilang matipid.

Hindi magara ang bahay at kotse noong kasikatan. Hindi siya katulad ng ibang superstar sa liga.

“ Bakit ako bibili ng mansion at sports car kung happy na ako sa simpleng bahay at awto, “ eka ni Larry B.

Pinaalalahanan din niya ang mga kasabayang pro na mag-ipon para sa hinaharap. Ayaw niya mga cager na waldas sa sweldo.

Kaya naman natitiis ni Bird kapag lumapit ang mga dating kasamahan na nangugutang. Mangyari nga grabe sila gumastos at inubos ang kinita. Korek naman ang Celtic pride.

***

Ang biro ni Mark Caguioa kay LA Tenorio ay Freenorio sa dami ng libre nitong mga nakukuhang produkto sa mga endorsement deal ng ex- Blue Eagle.

Mangha kasi si The Spark sa mga dumarating na sari-saring supply sa kanyang kakampi.

Minsan daw kasi sa game o praktis nila ito nadedeliver kaya nakikita niya mismo.

Sa bait ni The Tinyente ay binabahagian naman niya sina Mark at iba pang mga teammate. Minsan Gatorade, Nike at Alaska noong nasa Aces pa ang tubong- Nasugbu, Batangas.

Eka nga ng Fil-Am cager ay “heto na si Freenorio at ang ating share na biyaya”.

Hehe.