Advertisers

Advertisers

Gulo sa Albay, akyat sa Supreme Court

0 595

Advertisers

Dumulog sa Supreme Court kamakailan si Albay Governor Noel Rosal upang hilingin na pigilan ang Commission on Election (COMELEC) sa pagpapatupad nito ng isang resolusyon na nagdidiskuwalipika sa kanya mula sa pagtakbo sa halalan nuong Mayo 2022.

Ginawa ni Rosal ang kahilingan sa pamamagitan ng Petition for Certiorari na may kasamang petisyon para sa Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction laban sa COMELEC.

Kinuwestiyon ni Rosal sa harap ng Supreme Court ang resolusyon ng COMELEC en banc na nagpatibay ng naunang resolution ng First Division nito laban sa kanya batay sa petisyon ng isang Joseph Armogila.



Sa kanyang petisyon, sinabi ni Rosal na pinagkaitan siya ng COMELEC ng “constitutional right of due process” nang hindi pagbigyan nito ang kanyang mosyon na mailipat ang araw ng hearing ng preliminary conference na kabila ng sapat na dahilan na kanyang naiprisinta para baguhin ang takdang araw nito.

Sinabi rin ni Rosal na ang resolusyon ng COMELEC ay “batay lamang sa alegasyon at hindi sa ebidensiya”. Nabigo umano si Armogila na mag-prisinta ng direktang ebidensya na magpapatunay na naglabas siya ng pondo sa panahong ipinagbabawal ng Omnibus Election Code sa panahon ng halalan.

Hiniling din ni Rosal sa Supreme Court na tingnan kung nagkaroon ng “grave abuse of discretion” sa bahagi ng COMELEC nang ilabas nito ang naturang resolusyon.

Maalalang ang naunang resolusyon ng COMELEC First Division na nagdiskuwalipika kay Rosal ay nagbunsod ng malawakang protesta laban dito sa Albay at Legazpi City. Ang mga pagkilos ay pinangunahan ng mga lider ng simbahan at samahang sibiko. Sa mga naturang protesta, nanawagan si Albay Bishop Joel Baylon sa COMELEC na igalang ang “pasiya ng mga mamamayan”.

Tinuligsa din ni Bishop Baylon ang diumano’y pakana ng mga negosyanteng nasa likuran ng malawakang quarrying sa lalawigan na sa pagpapatalsik kay Rosal. Agad na pinatigil ni Rosal ang quarrying operations sa Albay at Legazpi nang magwagi ito sa halalan bilang bagong gubernador.



Nanawagan din sa Bishop Baylon sa Pamahalaan na imbestigahan ang mga quarrying sa lalawigan kasunod ng pagkasira ng mahigit 300 tahanan sa pagdaan ni super typhoon “Rolly” nuong 2020.

Nag-utos din ang nuon ay Presidente Rodrigo Duterte ng malawakang pagsusuri sa mga naturang operasyon sa lalawigan. Batay sa ulat ng Mines and Geosciences Board (MGB) kay nuon ay Environment Secretary Roy Cimatu, 15 sa 106 na quarry operators sa Albay at Legazpi ay may paglabag sa mga alituntuning nakasaad sa kanilang permits.Sanrho Builders, John Michael Freno, Lawrence Lubiano, NFH Construction, WCD Construction and Supply, AMEG Construction and Supply, Maria Lourdes Leoncito, Sunwest Construction (Legazpi), and Sunwest Construction (Daraga).

Ang mga kumpanyang Sunwest pag-aari umano ng isang Party-list representative na siya ngayong chairman ng isang makapangyarihang Congressional committee.