Advertisers
NAPATAY ang dalawang suspek sa likod ng pagbobomba sa Yellow Bus Line sa Tacurong City.
Kinilala ang mga ito ng Sultan Kudarat Provincial Police na sina Aiman Mandi Ali alyas “Aiman Ali” at kasintahan nito na si Hairon Akmad Martin, mga residente sa nasabing lugar.
Sa report, napatay ang dalawa Linggo ng umaga sa Purok Pinnen, Barangay Rosary Heights 6, Cotabato City.
Sinasabing mag-partner ang mga suspek na kasapi ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group at pangunahing mga suspek sa pagbobomba sa Yellow Bus Line sa Tacurong City.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Firearms and Ammunitions Regulations Act (RA 10591) at illegal gun running (RA 9516).
Sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis kasunod ng nakuhang arrest warrant mula sa acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat.
Isisilbi na ang arrest warrant nang manlaban umano ang mga ito, nagresulta ng kanilang kamatayan.
Narekober sa crime scene ang baril na caliber 45 pistol.(Mark Obleada)