Advertisers
PINAG-AARALAN ngayon ng Bureau of Correction (BuCor) na mabigyan ng Executive Clemency ang mga bilanggo na edad 70 anyos pataas.
Aprub ako sa naisip na programang ito ni BuCor Officer-in-Charge Gregorio Catapang, para narin mapaluwag ang mga kulungan under BuCor.
Nauna rito, ipinahayag ni Department of Justice (DoJ) Secretary “Boying” Remulla na gusto niyang paluwagin ang mga kulungan ng BuCor para narin makaginhawa ng maayos at makapag-isip ng tuwid ang mga bilanggo.
Pero hindi kasama sa programang ito ang mga may kaso ng heinous crimes tulad ng murder, rape, robbery at droga.
Ang ganitong programa ay ginawa narin ni former President Gloria Macapagal-Arroyo.
Naniniwala ako na ang mga bilanggong 70-anyos pataas at limang taon na sa kulungan ay nakapag-isip narin ng maganda para sa nalalabi nilang buhay. Magpapaka-tao na ang mga ito paglaya. Let’s give them a chance…
***
Mabuti naman at naisipang iatras ni Senador “Bato” Dela Rosa ang panukala niyang i-decriminalize o ‘wag gawing krimen ang mga gumagamit ng iligal na droga.
Ito’y matapos syang atakehin ng netizens at grupo ng mga anti-drug.
Kasi nga naman, karamihan ng gumagamit ng droga ay nagtutulak din. Kaya hindi talaga obra na hindi papanagutin sa batas ang mga adik. Mismo!
Kung ako si Senador Bato, para makuha ang simpatya ng masa, ang isusulong kong panukala ay ipagbawal na ang intelligence at confidential funds sa mga kagawaran o ahensiya ng pamahalaan na walang mandato sa law enforcements. That’s it!
***
Saludo ako sa mga ginagawa ni Senador Raffy Tulfo.
Tamang wala siyang sinisino sa mga opisyal ng pamahalaan maging sa kanyang mga kasamahan na halatang may mga pinoprotektahang negosyo o grupo.
Ganun talaga dapat kapag ikaw ay nalalal sa posisyon, ang dapat mong serbisyuhan ay ang taong bayan, ang gobyerno, hindi ang maging sunud-sunuran sa mga kasamahan na halatang may mga kinikilingan.
Sabi nga: Kapag ikaw ay nahalal, ang loyalty mo ay dapat sa mamamayan, hindi sa sinoman na mga kasamahan sa kongreso dahil ang nagpuwesto sa iyo ay ang taong bayan. Mismo!
Kapag hindi nagbago ang mga tiradang ito ni Sen. Raffy, hindi malayong maging top contender siya sa pagka-presidente sa 2028. Peks man!
***
Sino-sino kaya sa mga OIC sa mga kagawaran ng gobyerno ang mananatili at maaalis pagkatapos ng Disyembre 31?
Sabi kasi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, hanggang Disyembre 31 ng taon nalang ang mga OIC. At dito sila magdedesisyon ni Presidente BBM kung sino-sino ang maging co-terminos nila.
Say ni ES Bersamin, ang mga appointee ay nire-require niya ng NBI Clearance. At ang mga magbabalik-gobyerno ay pinasusumite ng clearances ng Civil Service Commission at Office of the Ombudsman. Ayaw, aniya, ng mga opisyal na may criminal records. Araguy!!!
Abangan!