Advertisers
Sugalan sa compound ng palengke ng Candaba, Pampanga inirereklamo dahil masyadong naging VIP ang mga sugalan ng dropball at color game sa mismong compound ng palengke.
Dahil mas binigyan daw ng puwesto ng Market Master ng nasabing pamilihan ang sugalan kesa sa mga nagtitinda at naghahatid ng mga paninda sa palengke.
Paano ba naman, sinakop na ng sugalang ito ang dapat mapakinabangan pang parkingan or puwede din gawing tindahan ng mga taga- -palengke kaya ang siste,sa kalsada nakahambalang ang mga sasakyang naghahatid ng paninda ganun din ng mga mamimili.
Ayon sa reklamong dumating sa atin, isa na ito sa nagiging dahilan ng paghina ng kinikita ng kanilang mga asawa sa pagbiyahe ng tricycle dahil dito na lamang napupunta sa sugalan ang maliit na kinikita ng kanilang mga mister.
Pagmamayabang pa nung may ari ng drop ball at color game na si LOIUE, binibigyan nya umano si Mayor Maglanque ng Candaba ng singkuwenta mil (50K) kada linggo at nung minsang tanungin ang isa sa tao ni Louie na “bawal po yan di ba? Di po ba kayo huhulihin ng pulis dyan? ” ang sagot daw di umano ng tao ni Louie na si POLENG eh pasok po sa kapulisan yan 180K po hinahatag naming “LAGAY” kay PARAK, RANIEL at isang ALYAS JUN CRUZ linggo-linggo para sa Crame, RD at PD. Ganun?
Nagtataka lang din naman tayo kung bakit napayagan ng isang market administrator na pagtindahin ng “sugal” ang mga walanghiya na ito.
Paanong napayagan sa loob ng compound ng palengke ng Candaba ang sugalan?
Bakit nga ba Mayor Rene Maglanque sir.
Tatlong kupal na pulis na sina PARAK, JUN CRUZ at RANIEL Ang mga kolektor ng intelehensiya (PAYOLA) para sa PNP na umabot ng 180K weekly para sa tatlong kupaling ito mula sa mga operators ng peryang may sugal o “pergalan”.
Lagum umano ang koleksyon ng “timbre” para sa CIDG Crame, RD, PD, NBI at halos sa lahat ata ng unit ng kapulisan na regular ng kinokolekta ng tatlong kupal na ito!
Ang tatlong kupal na pulis ding ito ang nangongolekta ng payola para sa PNP sa mga puwesto ng pergalan sa Bulacan gaya ng sa Sto. Nino, Meycauyan, Sta Rita, Guiguinto, Lias, Marilao at sa Norzagaray.
Lahat ng bayan sa Bulacan, sa Pampanga naman sa Bayan ng Mexico, Brgy Bulaon at Malipitik, sa Bayan ng Mabalacat, sa Dau at Panday-Pira na halos lahat din ng Bayan sa Pampanga, Bataan at Nueva Ecija na nasasakupan ng PRO3 ay merong sugalan na kinokolektahan ng tatlong kupal na ito na nagpapakilalamg designated bagmen ni General Cesar Pasiwen.
Diyos na mahabagin,magkano ang kinikita ng mga kolektong na ito sa isang linggo?
Magkano naman rin kaya Ang total na ingreso ng mga ito kay General Pasiwen lalo na ngayong open ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa Region 3 ?
Sabi raw umano ni Pasiwen,may quota umano ang tanggapan ni chief PNP, Gen. Rodolfo Azurin Jr.kung kayat nagkukumahog ang mga bagmen nya sa pangongotong sa mga gambling operators ng area.
Walastik naman talaga,sarap maging chief PNP!
Pakuyakuyakoy lang dyan sa Crane may regular pang “PARATING” mula sa kanyang mga regional at provincial police directors!
Ayahay talaga ang buhay Gen.Rodolfo Azurin sir!
Very cool!
Iba na talaga pag “malapit” ka sa KUSINA.
Kahit palpak ka at malatuba,tiyak na nakapuwesto ka at busog na busog.
Busog din ang mga katulad nina PARAK, JUN CRUZ at RANIEL na mga “kolektong” (kolektor ng kotong)!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com