Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ANG CEO at event stylist na si Tei Endencia ang isa sa mga pinakabagong miyembro ng mga artist ng Artist Circle Talent Management Services na pinamumunuan ni Rams David.
Si Tei ang nagmamay-ari ng AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place sa Tagaytay na isang events place na paboritong pagdausan ng selebrasyon ng marami, maging ng mga showbiz celebrities, tulad na lamang ni Wilma Doesnt; sa Aquila idinaos ang kasal nina Wilma at mister nitong si Gerick Parin noong March 24.
Bakit Aquila ang napili nyang ipangalan sa kanyang events venue?
“Because that’s my Greek name,” umpisang paliwanag ni Tei.
“Yung real name ko po is Altaire and then nickname ko po is Tei so sa Bible pag sinearch mo si Altaire ang lalabas po is si Aquila.
“Kasi po sa wedding, nasa wedding events po kami, and then nung na-research ko din sa Bible ang unang ikinasal is si Aquila and si Priscilla, sila po, sa Roman Catholic, sila yung unang-unang kinasal.
“Kaya po that’s why Aquila po yung pinangalan ko.”
2016 binuksan ni Tei ang AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place.
“Nag-start po ako, very humble beginning, we used to handle events sa garden kung saan po kinasal si Wilma Doesnt, and then during that time po nagwo-work po ako with different caterers, kung saan-saan ako nagwo-work na caterers, then yung mga naiipon ko po dun iyon yung ginagamit ko to construct the venue.
“So nung una po wala pa akong architect and engineer so ako lang po yung nagdo-draw, nag-i-sketch, then I give instructions po dun sa mga construction workers namin, sa mga welders, ganyan.
“Hanggang iyon po, napalaki ko siya na ganito.”
Sa simula ay two thousand eight hundred square meters ang sukat ng lupaing kinatitirikan ng AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place.
“Ngayon po nasa three thousand eight hundred square meters na po siya.”
“Siguro po blessed lang and iyon nga po maraming nagtiwala sa akin na mga caterer.”
Marami na ring construction at facilities na nadagdag sa lugar.
“Meron na po tayong good for fourty pax na accomodations, we have the second floor and third floor so yung third floor po natin is the newest, that’s the penthouse kung saan sila [Wilma and her group] naka-check in ngayon.
“Then we also have a swimming pool doon sa rooftop natin.”
Ilang tao ang puwede sa isang kuwarto?
“Hindi naman po kami strict, maximum of five per room yung puwede po, minsan six, ganun ang ginagawa nila.
“Yung interior po namin is modern contemporary, dun po sa taas po, sa penthouse, even dun sa second floor.
Hindi sina Wilma at Gerick ang unang celebrity wedding na idinaos sa AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place.
“Si Katrina Velarde dito rin po siya kinasal and then Wilma Doesnt po yung sumunod. And may mga naka-line up pa po na mga celebrity wedding po dito kaya lang po as of now hindi ko po sila puwede ma-mention kasi po confidential,” at tumawa si Tei.
Solo owner si Tei ng AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place na maaari ring pagdausan, bukod sa weddings, ng birthday parties, baptismal, anniversary at kung anu-ano pang celebration.
Maaaring kontakin ang AQUILA Crystal Palace Tagaytay Events Place sa e-mail address na artist_circle@yahoo.com at mga numero na 09175816288, 09171188007 at 09178421621.
Matatagpuan ang Aquila Crystal Palace Tagaytay Events Place sa #328 Brgy. Maitim 2nd Tagaytay City.