Advertisers

Advertisers

AJ itinago ang panganganak sa ospital ng Pasig?

0 230

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest post ni AJ Raval sa isang Christmas tree, tila di naman mukhang nanganak o buntis ito.
Pulutan sa apat na sulok ng showbiz na nanganak na raw si AJ sa isang hospital sa Pasig.
May nagdidiin na si AJ ang babaeng nanganak daw noong November 19 pero pumasok daw ito ng hospital na nakatakip ang mukha.
Habang nasa labas ng hospital si Aljur Abrenica na naka-facemask na tinanggal din kaya nakilala.
Kahit si Cristy Fermin ay ibinalita na ito noon na preggy ang anak ni Jeric Raval pero panay tanggi ng kampo ni AJ.
Kaya may duda ang netizens na si AJ nga ang nanganak.
Kahit ang mga showbiz online ay pinagpiyestahan ang panganganak ni AJ kahit itinatanggi pa ito.
Sa online show nga ni Ogie Diaz ay napatanong ang kasamahan nito na paano raw nalaman na si AJ ito kung nakatakip ang mukha.
Dahil daw sa tattoo, nakumpirmang si AJ yun ayon pa sa usapan ng showbiz online show.
May tattoo raw sa dibdib si AJ kaya ito nakilala, usapan nina Ogie at kasamahan.
Napa-react naman ang netizens kung bakit kailangan pa raw itanggi kung true.
Sey naman ng kasamahan ni Ogie na baka raw may mga proyekto na di pa dapat isiwalat.
Well, kung true or hindi ay need basagin nina Aljur at AJ ang kanilang katahimikan para sa kung ano nga ba ang katotohanan.
***
Coleen at Billy, matatagalan pa sa France
PARA sa TV host singer actor na si Billy Crawford, di na foreign country sa kanya ang France.
Taong 2000 nang magkaroon ito ng singing engagement sa Paris.
Nang sumali ito sa dance competition, suwerte na siya at ang partner ang itinanghal na Grand Champ.
Kaya sa pag-amin ng celebrity couple, tila matatagalan pa sila sa France ayon na rin sa panayam sa kanila.
Paano naman ang mga show na naiwan nito sa Pinas tulad ng LOL at The Wall.
Sa mga shows na naiwan nito sa Pinas ay marami raw itong naipon na na tape na kumbaga maraming pondo.
Baka roon na rin mag-spend ng Holiday season ang mag-asawang Coleen at Billy kasama ang 2 years old son na si Amari.
Okey naman daw si Billy sa France lalo na nga raw kasama nito ang kanyang pamilya mag-ina.
Ito naman kasing kanyang pamilya ang tinuturing nitong mundo at ang mahalaga nga raw ay magkakasama sila.
Well, well, well…’Yun na!