Advertisers
Ni BETH GELENA
NAMAALAM na si Maja Salvador sa character niya bilang si Cassandra sa The Iron Heart
Sa final scene niya last Friday kung saan yakap siya ni Richard Gutierrez bilang si Apollo ay nasakote siya sa isang crossfire ng Tatsulok na pinangungunahan ni Priam (Albert Martinez) dahil sa paghihiganti ni Priam sa anak na namatay na si Jason (Lance Carr).
Si Richard ang naka-assign sa mission and had mistakenly killed Jason, making his organization the target of Priam’s vengeance.
Sa pagkamatay ni Cassandra, sinabi ni Apollo na isa siyang secret agent na naatasang pabagsakin ang
Tatsulok.
Dapat ay magpapakasal sina Cassandra at Apollo pagkatapos ng misyon ng huli pero hindi na mangyayari.
Sa episode ay pinakikitang inililibing na si Cassandra and vowing to avenge her death.
Sa Instagram ni Maja namaalam na ang aktres bilang si Cassandra at pinasalamatan ang mga naging instrumento kung bakit siya nakabalik sa ABS-CBN.
“Thank you, Kapamilya!” ani Maja with emojis in the iconic colors of ABS-CBN. “Thank you @StarCreativesTV sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra!”
“Hanggang sa muli! Paalam Cassandra!”
***
ERWAN TINAWAG NA DYOSA IN HER ELEMENT SI ANNE
SA video clip ni Anne Curtis sa kanyang Instagram ay makikitang sinalpok siya ng alon habang animo’y na-sunbathing ang TV host actress.
Hindi napansin ni Anne ang pararating na mga alon habang nakahiga siya sa sea shore.
Tawang-tawa ang mister na si Erwan Heussaff nang salpukin ng alon ang misis.
Ibinahagi niya ang cute video ni Anne.
Makikitang nakahiga sa shore ang It’s Showtime host while trying to make “awra,” hindi niya ini-expect na may darating na malakas na alon at inabot siya.
Isang funny caption ang pinost ni Erwan sa kanyang IG account.
“Dyosa in her element. Nature wins. P. S If you don’t hear from me in the next 24 hours, send help,” ani Erwan.
Agad namang sumagot ang kanyang misis, “Director’s cut at its finest. You’re forgiven tho because tawang-tawa me. Hahahahahha”
Dagdag pa niya, “THE BEST! HAHAHAHA!”
***
JULIE ANNE WALANG ORINALITY, GAYA-GAYA LANG KAY NADINE
THIS is it. Sinagot na ni Julie Anne San Jose sa mismong concert niya si Rayver Cruz
‘I Love You, Too,’ aniya kay Rayver.
Ayon naman sa netizens, ginaya lang daw ni Julie Anne ang pagsagot nito sa actor.
Ginawa na raw ito ni Nadine Lustre sa concert nila noon ni James Reid.
Which is true naman.
Sana raw ay nag-isip ng ibang paraan si Julie Anne at hindi yung gaya-gaya lang daw sila, sabi ng commenter.
“RAYVER is a singer!! From Cruz clan yan so hindi kataka-taka. I saw him sing live at MAJA’s very first concert singing “Perfect” & he really nailed it & earned 2 thumbs up from the audience.”
Komento naman ng isa, “Hindi pa ba sila sa lagay nun?!”
“True Kung magyakapan. Parang Jadine dati hahaha”
“Mala Jadine noon ah. Sa concert din nag confirm…”
“kya pla d pa umamin nirereserve sa concert galawan showbiz dn”
“Ang weird reaction ni Rayver…parang nanalo sa pustahan.”
“ang lalakas ng sigaw ng kakarampot na mga fanneys!”
“Gaya gaya sa JaDine”
“Jadine fever is irreplaceable bkt kailangan gayahin too
“Ginaya si Jadine hahah. Sa concert din ginawa. Walang originality. Publicity lang ang dalawa.”