Advertisers
HANGGA ngayon ay di pa buo ang Board of Commissioners ng Philippine Sports Commission( PSC) dahil si Chairman Noli Eala pa lang ang ninombrahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos habang isa pa lang ang Commissioner sa katauhan ni Bong Coo.
Bagama’t arangkada ang operasyon ng naturang government sports agency( after pandemic), iba pa rin kapag kumpleto ang Commissioners lalo’t ga-bundok ang responsibilidad ng PSC tampok dito ang pagkalinga sa kapakanan ng ating mga pambansang atleta na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at ang grassroot program na barometro ng pagtuklas ng pinakamahuhusay na atleta ng bansa.
Higit sa 40 national sports associations ang kailangang arugain ng ahensiya na dapat ay sapat ang manpower mula rank and files at top management na magtitimon para sa ikasusulong pa ng pambansang palakasan kung saan ay ang sports ang siyang sumasalamin sa isang nasyon kung gaano na ito sumulong sa kabuhayan at ekonomiya.
Pinag-iisipang mabuti ni PBBM ang nonombrahan niyang komisyuner pa ng PSC.
Kung husay,karanasan,talino at lokal/ international na kaalaman sa sports ang pag-uusapan o criteria,di na kailangan pang lumayo si Pangulo dahil nasa mismong balwarte ng PSC naroon ang karapat -dapat at kwalipikado.
Nasa tungki lang ng ilong kaya di masyang nakikita pero isa siya sa may pinaka-epektibong papel na ginagampanan sa lahat ng sports association na siya ay opisyal at kahit na sabay-sabay.
Siya si ROMUALDO EDUARDO NOEL A. DUMUK na mas kilala ng buong sports community sa ngalang RED.
Si Red Dumuk na ilang dekada nang sports figure sa PSC sa aspeto ng management at binansagan ding sports almanac dahil alam niya at saulado ang likaw at direksyon sa pagpapatakbo sa lahat ng sports na siya ay konsenado.
Ang Genuine Ilocano( La Union) na si Manong Red ay bihasa sa Sports Administration at Policy making kung saan ay laging kinukuha ang kanyang serbisyo ng mga NSA’s tulad ng Triathlon Association of the Philippines, Muaythai assn, Phil.Football assn.Gymnastics, Weightlifting, Wushu,
Darts, Kickboxing, Wrestling Badminton, Chess, Cycling, Duckpin,Athletics, name it you will know RED. Mistula siyang isang espesyal na sahog sa bawat putahe kung kaya bihira ang may tulad ng taglay niyang wisdom sa sports. A rare breed indeed.
Panahon na para makita ang pinaka-kwalipikadong Commissioner ng PSC, nariyan lang si Kabsat Red.
Ipinapaabot ng korner na ito kay APO BONGBONG…. addadtuyen Apo ni Commissioner Red Dumuk,awan ti sabalen… ABANGAN!