Advertisers

Advertisers

Vice Ganda nagpasalamat sa mga dating kasama sa ‘It’s Showtime’

0 187

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGBIGAY ng madamdaming mensahe si Vice Ganda sa lahat ng involved sa “It’s Showtime” sa latest episode nito.
Natutuwa kasi siya sa reception ng audience ng kanilang segment na “Magpasikat 2022”.
Sa naturang segment kasi, naglalaban-laban ang hosts ng show para ipakita ang kanilang mga angking talento na ang iba ay masasabing buwis-buhay pa.
Sobra rin siyang nagagalak sa pagkapanalo ng kanyang protégé na si Ryan Bang sa naturang kumpetisyon.
Aniya, deserved daw ng South Korean star ang kanyang win dahil sa ipinakita nito ang yaman ng kultura ng nasabing Asian country sa kanyang production number.
Sa speech din niya, pinasalamatan niya ang lahat ng naging bahagi ng show kasama na ang ibang dating miyembro nito na wala na sa programa o nag-ober da bakod na sa ibang network.
“Gusto kong magpasalamat, balikan yung pinagmulan natin,” aniya.
Kasama sa kanyang binanggit ang dating “It’s Showtime” directors na sina Direk Bobet Vidanes, at Direk Mel Feliciano.
In-acknowledge rin niya ang dating co-hosts na sina Kuya Kim Atienza, Coleen Garcia, Eruption, Joey Marquez at Billy Crawford.
“Lahat ng nakasama namin, gusto ko kayong balikan, gusto kong balikan lahat yung mga masasayang ala-ala kasi masayang-masaya naman tayong lahat. Mahal na mahal natin ang isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan, bago tayo nagkasakitan, bago tayo nagalit sa isa’t isa. Bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo. Gusto kong balikan ‘yon,” pahayag ni Vice.
Dahil sa tinuran niyang ito, hirit ng kibitzers na bati na sina Vice at Billy, Kim at Direk Bobet na minsan ding nagparunggitan sa social media.