Advertisers

Advertisers

Alden kinilalang Entertainer of the Year ng Esquire Phils.; Thea nagbunga ang pagiging loyal sa Kapuso

0 167

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAGBUBUNGA talaga ng maganda ang pagiging loyal.
Sampung taon na si Thea Tolentino sa bakuran ng GMA at kamakailan ay muli siyang pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Nagsimula ang karera ni Thea isang dekada na ang nakalilipas noong siya ang hiranging female grand winner sa “Protégé: The Battle for the Big Artista Break.”
Hindi na siya nabakante mula noon at regular na may seryeng ginagawa at madalas pa nga ay bida-kontrabida ang kanyang papel.
Kaya naman hindi nakalimutan ni Thea na magpasalamat sa kanyang home network.
“Sobrang maalaga talaga. Nakita naman natin sa mga show ko talagang lahat ng projects na binigay nila sa akin, nag-shine ako,” pahayag ni Thea na napapanood ngayon sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters bilang si Dahlia Chua.
Bukod kay Thea ay bida rin bilang Chua sisters sina Aiko Melendez bilang si Lily Chua, si Angel Guardian bilang si Iris Chua at si Beauty Gonzalez bilang si Violet Chua.
***
HINDI nagpapaawat si Alden Richards!
Kailan lamang ay isa na namang pagkilala ang natanggap ng Start-Up PH male lead at ito ay ang kilalanin siya bilang Entertainer Of The Year ng Esquire Philippines para sa kanilang taunang Man At His Best celebration.
Kalakip ang kanyang larawan ay nag-post sa Instagram account nila ang Esquire Philippines kasama ang mga sumusunod na papuri kay Alden.
“The consummate entertainer, Richards has made it his life mission to become a multi-hyphenate. At this point in his career, he’s ready to start focusing on influencing the next generation of artists.”
Ngayong Disyembre ay mahigit isang dekada na si Alden sa showbiz dahil ipagdiriwang niya ang kanyang ikalabing-isang anibersaryo sa showbiz.
Samantala, bukod kay Alden (bilang si Tristan Hernandez) ay bida rin sa Start-Up PH sina Bea Alonzo bilang Dani Sison, Jeric Gonzales bilang Davidson Navarro at Yasmien Kurdi bilang Ina Diaz.