Advertisers

Advertisers

Miembro ng ‘Lorenzana Gun for Hire’, arestado

0 268

Advertisers

Nadakip ang isang lalaki na kabilang sa Lorenzana Criminal Group na sangkot sa Gun for Hire sa pinaigting na Anti-Criminality Law Enforcement Operations ng PNP sa lalawigan ng Bulacan.

Sa report ni PNP Provincial Director PCol. Relly Arnedo, kay PNP Region-3 Director PBGen.Cesar Pasiwen, kinilala ang nadakip na si Rico Irabagon, 44 anyos, negosyante ng Brgy. Anyatam San Ildefonso, Bulacan.

Ayon sa ulat, 10:50 ng umaga ng Nobyembre 29 2022, nadakip si irabagon base sa Search Warrant No.117-M-2022 sa kasong PD1866 as amended by RA 8294 at RA10591 at RA 9165 na inilabas ng Branch 80,ng Malolos Regional Trial Court.



Sa isinagawang tactical interogasyon kabilang umano si Irabagon sa “Lorenzana Criminal Group” na sangkot sa Gun-for-Hire, gun-running, robbery, smuggling at illegal drugs activities.

Nakuha sa bahay ni Irabagon ang 9MM pistol ,isang hand grenade fragmentation (MKII) at cal.45 pistol at ibat-ibang mga bala ng baril at 12 plastic sachet ng hinihinalang sabu.(Thony D. Arcenal)