Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
TUNAY na survivor si Outstanding International Female Performer Rozz Daniels makaraang dapuan ng sakit na Covid-19.
Nobyembre nang taong ito matapos pabagsakin ng worldwide pandemic si Rozz na nasa Wisconsin, USA.
Sa panayam sa singer, sinabi niyang nahirapan daw siya dahil mag-isa lang siya sa bahay nang magkasakit.
“Mag-isa lang ako that time, wala ang mga anak ko tapos yung asawa ko na si David (Daniels) ay nasa trabaho.
“Ako pa talaga ang lumabas ng bahay para bumili ng mga gamot ko dahil masakit ang ulo ko, lalamunan at matindi rin ang ubo ko,” kwento ni Rozz.
Hinihinalang nakuha ni Rozz ang Covid sa isang Kanong nakausap niya sa isang Halloween party.
Sa awa ng Panginoon ay gumaling si Rozz kaya balik na naman sa normal ang kanyang pangangatawan at buhay.
Dahil nalalapit ang Kapaskuhan kaya marami ulit natanggap na singing engagements o shows si Rozz sa iba’t ibang lugar sa Amerika.
Sa katunayan, kailangan pa anya niyang tanggihan ang isa dahil naka-oo na umano siya sa isang show sa Las Vegas, Nevada.
“Ilang beses na rin kasi nila akong iniimbitahan doon pero lagi kong natatanggihan dahil sa ibang ganap kaya this time, pumayag na ko,” dagdag ng mahusay na singer.
Isa pang show ni Rozz ay kasama naman ang kapwa-singer na si Irelyn Arana. Isang Christmas Party ng Apostolate of Divine Mercy na gaganapin sa Dec. 10, 2022, sa Lone Tree Manor N. Milwaukee Avenue, Chicago.
Speaking of show sa Vegas, gaganapin ito sa Dec. 31 kaya doon na rin magce-celebrate ng New Year si Rozz lalo pa’t kasama naman niya ang mister.
Samantala, nasa plano rin ni Rozz ang muling pagbabalik sa Pinas sa April, 2023 para mag-show kasama ang mga kasamahan sa The Rocks & Rozz Show na sina Ms. Irelyn, Jerome Sangalang, Derf Dwayne at Harold Evangelista.
Kasalukuyang inaayos pa ang iba pang gagawin ni Rozz habang naririto sa bansa kaya abangan lang natin ang mga ito.