Advertisers

Advertisers

Sanya kinakarir ang training para sa bagong serye

0 160

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

PUSPUSAN na ang training ngayon ng mga dating cast ng hit na fantaserye ng GMA7, ang “Encantadia” sa pangunguna nina Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia plus Michelle Dee, Arra San Agustin at Rochelle Pangilinan para sa upcoming action serye na gagawin ng Kapuso Network slated for airing next year 2023 at may working title na “Urduja”.
Tsika kasi na may napili na raw new batch of Kapuso stars para lumabas sa bagong serye ng “Encantadia” at may working title itong “Sang’gre”.
Isa sa labis na natuwa ay ang Kapuso actress na si Sanya. Hindi nga siya makapaniwala nang matanggap ang offer na ibang serye pala at hindi “Encantadia” siya isasama.
“Oh my gosh Encantadia ba ito? Para kasing bumalik talaga sa amin lahat na, remember noong nag-uumpisa pa lang tayo sa Encantadia, kung paano rin tayo nag-training noon. Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din ito at fantasy din, halos nandoon lahat, lalo na ang action, nandito,” sabi ni Sanya.
At isa pang labis na ikinasiya ni Sanya, tulad ng super hit niyang seryeng “First Yaya” ay pang general patronage ang kanilang bagong serye.
“Lahat ng bata, matanda, mommy, daddy, lahat, buong pamilya, talagang magkakasundo kapag pinanood ito,” dagdag na say pa ni Sanya.
***
PARA kay Ava Mendez, ang kanyang alindog at kaseksihan ay sapat na puhunan upang makamit ang pangarap na maging isang action star.
Sa ngayon kasi ay pawang drama at erotic movie ang kanyang ginagawa tulad na lang sa “Laruan” nila nina Franki Russell, Jay Manalo at Kiko Estrada, which starts streaming starting December 16 at dinirehe ni Yam Laranas.
Sa naturang movie ay may aksyon scene silang ginawa ni Franki pero mas feel pa rin ni Ava yung makatotohanang eksena at kung papalarin pa nga raw siya ay mas feel ni Ava na siya na ang gumawa ng kanilang fight scenes.
“Gusto ko po mag-try ng action movie. Yung real deal action na ako mismo ang gagawa ng fight scenes and stunts ko sa movie. I think makakaya ko naman kasi may training ako sa martial arts and I’ve always been very athletic. Physical fitness influencer din ako and I joined sa mga marathon before,” say ni Ava.
Kada pelikulang ginagawa ni Ava ay kapansin-pansin ang pag-improve ng kanyang acting skill, as in change for the better acting.
“I take my work seriously and I study the roles assigned to me well para magampanan ko nang maayos. Dito sa ‘Laruan’, Direk Yam Laranas gave acting workshops before the actual shooting started at malaki ang naitulong niyon para mas maintindihan kong mabuti ang role ko,” dagdag na say ni Ava.