Advertisers
Ito ang babala ni bagong talagang Bureau of Fire Protection National Capital Regional (BFP-NCR) Director F/ Chief Supt. Nahum Tarroza sa kanyang mga City Fire Marshal dito sa Metro Manila. Lagot kayo!
Bakit kaya ganito na lamang ang mga binitiwang kataga ni Tarroza? Isa lang ang ibig sabihin nito, malamang sa malamang na may nakararating na impormasyon kay Tarroza na may kaiibang laro na nangyayari sa ahensya na posibleng kinasasangkutan ng ilan Fire Marshal.
Kaya, sa mga kolokoy na Fire Marshal, tumigil-tigil na kayo ha…lalo na sa mga may pinaplano na makasisira sa imahe ng BFP -NCR o sa kabuuan ng BFP. Kayo rin, tiyak na may paglalagyan kayo.
Ang babala ay inihayag ni Tarroza sa kanyang talumpati kamakailan sa isinagawang turn-over ceremony sa kanyang tanggapan sa Barangay Pinagkaisahan, Quezon City.
Bagamat wala naman tinutukoy na pangalan sa kanyang pagbabala ni Tarroza, ang kanyang mensahe ay para sa mga bagong upong City Fire Marshal ng Parañaque City na sina F/ Supt. Eduardo A. Loon, na pumalit kay F/ Supt. Bernard T. Rosete; humalili naman sI F/Supt Mariano S, Taguayam kay F/Crossib B. Cante ng Pasay City, at kay F/Supt. Josephus F. Abrudo, na itinalag naman sa Malabon City kung saan ay pinalitan niya sI F/Supt. Eduardo A. Loon.
\
Kabilang din sa tinalaga si F/Supt. Melchor B. Isidro, na humalili kay dating Las Piñas City fire Marshal Supt. Cristina O. Solero habang si F/Sr. Inps. Eric Gavieres ang pumalit kay F/Chief Insp. Jessie James Q. Samañego sa Pateros Municipality.
Linawin natin, babala pa lamang iyan at wala pa naman tintukoy si Tarroza na Fire Marshal na sangkot sa anomang katiwalian sa ahensya. Manilaw ba.! Pero, kapag binalewala ng mga Fire Marshal ang babala at susuungin ang kanilang masamang plano, hindi ito makalulusot kay Tarroza.
Sa kanya pang talumpati, pinasalamatan at pinuri ni Tarroza ang mga dating fire marshal sa kanilan ipinamalas na katapatan at kakayahan sa kanilang tungkulin.
“Being relieved is not a demotion or punishment kayo ay kinakitaan na nang magandang ginawa na kailangan nang iangat… you have more responsibilities to occupied higher position,” pahayag pa ni Tarroza.
Sinabi pa ng bagong BFP -NCR chief na ang mahigpit na tagubilin ni Department of the interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ay tulungan ang mga negosyante na makabawi sa pagkakalugmok sa negosyo dulot ng COVID-19.
Iyan ang dapat at hind iyong pinahihirapan ang mga negosyante para lamang…alam niyo. Lalo na itong mga sinasabing fire building inspectors. Naku po, maraming tirador sa kanila at kinokunsinte ng kanilang Fire Marshal. Bakit kaya? Ano pa nga ba?
\
Pero ang lahat ng kalokohan na ito ay tutuldukin na ni Tarroza. Kaya, kayong mga tadong inspector, tumigil-tigil na kayo sa estilong pagpapahirap na mga negosyante.
\
Heto pa, Inatasan din ni Tarroza ang mga bagong fire marshals na huwag nang pahirapan pa ang kanilang mga kliyenteng nagtutungo sa kani-kanilang istasyon na kukuha ng Fire Safety Inspection Certificate )(FSIC) permit para makapag operate sa kanilang negosyo.
“Hindi Naman ibig sabihin ay labagin ang ating bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) Fire Code bagkus ay humanap ng mga alternatibong kaparaanan na hindi malalabag ang IIR Fire Code of the Philippines.” dagdag pa ng bagong BFP-NCR director.
Uli, sa mga bagong talagang Fire Marshal, huwag nang pag-isipan pa ang babala ni Tarroza at sa halip, seryosohin ito dahil hindi nabibiro ang inyong Hepe. Tutuluyan niya kayong kasuhan kapag inyong ipagpilitan ang mga maling gawain. Ang nais lamang naman ni Tarroza ay panatilihin ang magandang imahe ng ahensya bukod sa pagsilbihan ng tama at ng marangal ang mamamayan gayundin ang mga negosyante.